[A/N: This is a side story featuring the story of Star, Thunder, Yasser and Suzy. You can always skip this chap. Para lang po ito sa mga interested sa kwento nung apat.]
SIDE STORY B: MATH PROBLEM
***
"Ang crush ay parang math problem, kung di mo makuha, titigan mo na lang."
-Miriam Defensor Santiago
***
STAR'S POV
"YAH, KULOG ANO BA?! MASHAKET NA AH! YAH! HAJIMA!"reklamo ko kay kulog habang hinihila este, correction pala, KINAKALADKAD ako papunta sa kung saan.
Katatapos lang kasi ng practice namin para sa gagawin naming opening performance para sa Annual Club Initiations Event at ang Kulog! FC much! Bigla na lang akong kinaladkad sa kung saan! Kutusan ko ito eh! Kainis! Since maaga yung tapos ng klase ko ngayon, balak ko pa namang ayain si Anya unnie mag-bonding! Para naman gumanda yung view niya at hindi puro sina Eros oppa at yung alien na pinsan kong si V ang laging nakikita!
Sandali itong tumigil saka ako binitawan, "Pwede ba, bibwit! Huwag ka ngang mag-hysterical diyan na para namang may gagawin akong masama sayo,uy! Tsk, sensya na pero hindi kita type noh!"
"Kilabutan ka nga, Kulog! Mas lalong hindi kita type noh! Feelingerong frog naman nento! Baka naman kasi gusto mo munang sabihin sakin kung saan tayo pupunta kaysa sa bigla ka na lang nanghihila diyan? Haller?!"reklamo ko sabay pout---"YA---YAAAAHHHH!"
At ang kulog, bigla ba namang hinila yung bibig ko! Sadista talaga! Huhu! Kapatid ba talaga siya ni Anya unnie?! Anyare sa earth?!
"Wag ka ngang mag-pout. Kala naman nento ang cute niya, tsk!"palatak niya na inismiran ko lang, "At sa sagot sa tanong mo, ginagawa ko lang naman yung parte ko sa Mission #01 natin!"
"Yung 'make them notice us'?Ankonek nun?!"
"Kasi sinabi sakin ni Pareng Yasser na kulang pa daw sila sa mga models para sa iprepresent nila sa event. Ayun, pinakiusapan ako kung mayroon daw akong kakilala kaya naisipan ko na IKAW ang isasabak ko!"
Agad na nanlaki ang mata ko sa sinabi nito," YAH, WAEYO?! Aish, Pabo-ah! Bakit ako ang isinuggest mo eh wala naman akong kaalam-alam sa pagmomodel?! Magbutinting lang ng sasakyan ang alam ko! Mapapahiya lang ako harap ni Yassermyloves niyan eh!"
Ewan ko kung malaki na ba talaga ang sapak nento sa ulo ni Kulog o sadyang yan lang ang epekto ng pagiging broken hearted at ngumisi lang sakin ang kumag, "Leave that to me, bibwit! I got it all covered!"
THUNDER'S POV
Malawak akong napangisi nang tuluyan na kaming makarating ni bibwit sa lugar ng photoshot nila Pareng Yasser. Mas lalo tuloy hindi ko mapigilang mapanisi nang makita si Pareng Yasser na inaayos yung DSLR niya sa may di-kalayuan. Hehe, sensya na 'tol, tiyak na matutuwa ka naman sa sorpresa ko sayong tukmol ka! Haha!
Lumigon ako sa paligid at agad na nakita si Demi, isa sa mga stylist dito sa photoshoot. Nakangiti kosiyang binalingan sabay hila ulit kay bibwit, "Dems!"
BINABASA MO ANG
LIVING with the GANGSTERS [ONHOLD]
Teen FictionNagsimulang magulo ang nananahimik at "almost perfect" life ni Anya nang walang awang kinuha sa kanya ang pinakamamahal na kasintahan. Ito ang siyang naging dahilan kung bakit nalagay sa bingit ng panganib ang buhay ng dalaga. Alang-alang sa kanyang...