Chapter 22: Behind His Innocent Eyes

13.1K 301 12
                                    

CHAPTER 22: BEHIND HIS INNOCENT EYES

 

 

 

 

THIRD PERSON'S POV

 

Ilang araw na ang nakalilipas mula nang ma-ospital sina Blake at Dyo at kasalukuyang sina Anya, Nathan, Kier, Kris at Shane ang naka-tokang magbantay kay Blake. Sina Claus, Chen, Troy at Luke naman ang naatasang magbantay kay Dyo bukod pa kay Kai na hindi ito magawang iwanan. Mariing tumanggi na nga si Blake na ayaw na sana nitong may magbantay pa sa kanya ngunit naging mapilit ang lahat kaya napilitan na din itong pumayag.

Masaya naman ang lahat na malaman na imbes na dalawang linggo ay isa na lamang ang hihintayin nila bago tuluyang makalabas na ng ospital si Dyo. Bukas kasi ay maididischarge na nila si Blake. Naging mabilis din kasi ang recovery ni Dyo kaya naman pinayagan na din itong maagang mai-discharge.

"Than, bibili na muna kami ni Kier ng makakain. May gutho kang ipabili?"tanong ni Shane kay Nathan. Nauna nang lumabas dito sina Kris at Kier.

Nakangiti namang umiling ang binata, "Wala naman. Geh, bilhan mo na lang din ako ng kung anong bibilhin mo. Si Anya kaya?"sabay baling ng dalawa kay Anya na ngayon ay mahimbing ng natutulog sa may cpuch ng ospital.

Napangiti na lamang dito si Nathan saka ito kinumutan. Hindi niya napigilang mapatitig sa mapayapang mukha ng dalaga habang mahimbing ang tulog. Kung hindi pa pasimpleng tumikhim si Shane ay hindi niya maaalalang naroroon pa pala sa kwarto ang kaibigan.

"Tsk, tsk, tsk. Malala na yan, dude. Damn, I told you before right? I just knew it. I knew from the moment I fisrt saw her that she would definitely make a big impact. And based from what I've predicted before, told you, I was right."

Nakangiting napailing na lamang si Nathan sa matalik na kaibigan. Ngunit hindi naman niya magawang tumanggi dahil ngayon nga niya napatunayan na tama nga ang lahat ng mga sinabi nito sa kanya noon. At hindi niya inaakalang posible nga na mangyari ang isa sa mga bagay na pilit niyang iniiwasan. Muli niyang binalingan ang mahimbing na natutulog na si Anya saka ngumiti.

"Guess so."bumaling siya sa kaibigan, "Sige na, umalis ka na nga at baka hinihintay ka na nung dalawa. Alam mo namang mainipin yung mga yun. Pakidamay na lang din si Anya sa bibilhin niyo."

"Sure. No prob."saka ito tuluyang lumabas na ng kwarto. Naiwan naman si Nathan sa loob. Pasimple niyang binalingan kung mahimbing na nga ang tulog ni Blake. Nang masigurong tulog na nga ito ay saka siya naupo sa tabi ng natutulog na si Anya.

Napangiti si Nathan habang nakatitig sa mala-anghel nitong mukha. Inipit niya sa tenga ng dalaga ang napansing hibla ng buhok na tumatakip sa mukha nito saka hindo napigilang haplusin ang pisngi nito. Hindi lubos akalain ni Nathan na sa sandaling panahon lang ay ganoon na lamang kalaki ang bagay na itataya niya sa isang larong wala soyang kasiguraduhan kung maipapanalo nga niya.

LIVING with the GANGSTERS [ONHOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon