Chapter 44: Suddenly It's Magic

5.8K 174 111
                                    

[A/N: So this story is officially on hold until further notice

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

[A/N: So this story is officially on hold until further notice. Maga-UD na lang ako kung kailan po ako may maisip. Dati kasi, excited ako na mag-UD lagi dito, ngayon...pag may naisip na lang. Sorry sa lahat ng mga matiyatiyagang naghihintay kung nadadamay kayo sa inis ko sa iba. Ayoko na lang po kasing ma-pressure sa iba na wala nang ibang alam na I-comment kundi "UD pls" "pengeng UD" at hanggang FB, di ako tinigilan. Pinapasahod mo ko, teh? Sayang, nasa magti-3rd tear pa naman tayo which means halos nasa kalagitnaan na ng deductions and revelations at yung main love triangle (*EHEM*) ang story pero well---

Here's the UD. Ewan ko lang kung kailan ulit ang susunod.]

"And above all, watch with glittering eyes the whole world around you because the greatest secrets are always hidden in the most unlikely places. Those who don't believe in magic will never find it."-Roald Dahl

CHAPTER 44: SUDDENLY IT'S MAGIC

ANYA'S POV

"Where there is kindness, there is goodness and where there is goodness, there is magic, the fairy god mother told Cinderella."pagkukwento ni mama.

Tuwing gabi ay kinukwentuhan ako ni mama ng fairytales at isa sa mga paborito ko ang Cinderella. Nakakatuwa kasing isipin na sa kabila ng lahat ng paghihirap, may darating din sayong magic at bibigyan ka ng isang happily ever after. Hindi ko tuloy maiwasang isipin noon...

Totoo nga ba ang magic?

Totoo nga bang may "happily ever after"?

"Mama..."bigla kong tawag dito

"Hmm, yes my princess?"malambing na sagot sakin ni mama

"Totoo po ba talaga ang magic?"takang tanong ko, "kasi po ang sabi po ng mga classmates ko sa school, illusion lang daw po ang magic at hindi totoo yung mga sinasabi sa books."

"Talaga?"

Tumango ako, "Opo. Wala naman daw po talagang fairy godmother o magic sa totoong buhay. Gawa-gawa lang daw po iyan ng mga writers na gustong kumita sa story nila. Pinapaniwala lang daw po kaming mga bata sa wala."

Nang mga oras na iyon, isang simpleng ngiti lang ang isinagot sakin ni mama, "Talaga? Sinabi talaga nila iyon?"

Muli akong tumango at napaupo na sa kama, "Opo! Sabi ko nga po, mali sila! Kasi po sabi niyo, totoong may magic talaga! Ayaw pa nga po nila akong paniwalaan eh!"

"Oh, naniniwala ka naman pala kay mama na may magic, ba't mo pa ako tinatanong?"

Napaliyad ako ng ulo, "Para po makasiguro?"

LIVING with the GANGSTERS [ONHOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon