Chapter 27: Incurable Disease

11.3K 287 22
                                    

 

 

 

CHAPTER 27: INCURABLE DISEASE

 

 

 

THIRD PERSON'S POV

Patapos na sana si Thunder sa pag-iimpake ng mga gamit niya nang mamataan ng binata ang isang maliit na kahon sa bagahe niya. Agad na napakunot ang noo niya nang makita ang kahon ngunit ilang minuto lang din ay bigla na lamang siyang napapalatak.

"Damn!"

Nagtatakang binalingan naman siya ng kaibigan at roommate na si Yasser na tapos na sa paghahanda nito sa pag-uwi nila, "May problema, tol?"

Tumango siya, "Oo, eh. Langya, nakalimutan ko pang ibigay itong ipinabibigay ni Tita Hell kay Kuya Blake."sabay pakita nito ng kahon sa kaibigan, "Geh, Pareng Yasser! Daan lang muna ako kay Kuya para ibigay ito. Para hindi na din hassle kapag dumaan pa tayo ng mansion."

Tumango naman si Yasser at saka agad na lumabas si Thunder ng kwarto. Ilang saglit pa ay agad din siyang nakarating sa kwarto ni Blake. Tatlong beses siyang kumatok sa kwarto saka pinagbuksan ni Kier.

"Oy, ikaw pala yan, Thunder! Sinong kailangan mo?"

"Si Kuya Blake sana...."

Binalingan naman ni Kier ang pinsan na abala pa din sa pag-iimpake ng gamit, "Oy, insan! Si Thunder, hinahanap ka!"tumango lang ito, "Geh, pasok ka na. Maiwan ko na din muna kayo at ilalagay ko lang itong bagahe ko sa sasakyan."

"Geh. Thanks, Kuya Kier!"at lumabas na nga ng kwarto si Kier. Nakangiti namang binalingan ni Blake si Thunder.

"Thunder, napadaan ka? Got something important to say?"

Umiling ang binata, "Wala naman, Kuya! Nakalimutan ko lang ibigay sayo itong pinabibigay ni Tita Hell. Naisip ko nang ideretso na sayo dito ngayon para hindi ko na kailangang dumaan pa ng Phoenix mansion mamaya."

"Ahhh, akala ko naman kng ano na. Pakilagay na lang diyan sa may bedside table. Thanks, by the way."

Tumango naman si Thunder. Muling binalingan ni Blake ang pag-aayos ng mga gamit niya. Ipinatong na ni Thunder ang dalang kahon at paalis na sana nang aksidenteng matabig niya ang isang kupas na notebook. Hindi naman iyon napansin ni Blake kaya nagdesisyon na siyang pulutin ang nahulog nang agad siyang matigilan.

LIVING with the GANGSTERS [ONHOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon