[A/N: Sorry sa mahabang A/N. Paalala lang po, HINDI as in IMPOSIBLE na magkatuluyan dito sina STAR at THUNDER. Sa totoo lang, nakakatampo yung mga pinagpapares silang dalawa. Halata kasing hindi niyo masyadong binabasa ng mabuti yung side stories eh una pa lang, mahahalata mo na kung sinu-sino ang pairings dito. Nakakatampo as well as nakakadisappoint po talaga sa part ko. Nakakalungkot din sa characters nina Yasser at Logan kasi naiitsapwera sila gayung sila naman ang may karapatan talaga kay Star. Feeling ko tuloy hindi ako effective magsulat kasi nakakalimutan niyo sila. Nakakawala tuloy ng enthusiasm na mag-UD. Mianhe, pero sadyang sensitive ako sa pairings dito sa story. Like, hindi ko sila ipagpapares ng walang dahilan. Kaya sana...SANA LANG, wag niyo na silang ipair. Mababasa niyo din naman later on yung POV pa ng ibang characters at bakit sila ang may karapatan. Isa lang ang sigurado ko, MAGKAIBIGAN lang sina THUNDER at STAR. WALANG MAGPIPILIT. Yun langs.
Nyways...
This is a side story featuring Yasser, Star, and Logan (sila ang magpapartner!) You can always skip this chap. Para lang po ito dun sa interested sa kwento nila. You should've read "Side Story C-1: His Thunder" first before reading this. Connected kasi ang mga SS dito sa isa't isa.]SIDE STORY C-2: FALLING STAR
***
Loving someone who doesn't love you is like reaching for a star...
You know you'll never reach it but you just have to keep on trying because someday,
Even stars might fall...
***[DAYS BEFORE STAR & THUNDER's MAKE-OVER]
STAR'S POV
"Babyloves naman, pansinin mo naman akooo!"pangungulit na naman nitong asungot sa tabi ko. At aba ! Ang loko, feeling close much! Sinusundot-sundot pa ang pisngi ko!
"Yah! Hajima, Yah! Teka nga ulit, Kuyang hindi ko na maalala ang pangalan at never ko gustong alalahanin, alin ba sa 'TIGILAN MO KO' ang hindi mo maintindihan?"nakapamaywang na paninita ko dito.
Pero kung hindi ba naman talaga loko, imbes na matakot sa "Super Intensified Glare" ko---si Eros oppa ang nagpangalan niyan---nginisian lang ako sabay kurot ng pisngi ko!
"Babyloves naman! Pero ang cute-cute mo talaga kapag nagagalit! Kaya mas lalo akong naiinlove sayo eh!"sabay bitaw sa pisngi ko, "saka naman, Babyloves, ba't mo naman kinakalimutan ang pangalan nitong future hubby mo?"sabay pogi sign.
Pwe!
Nagpatuloy pa ang asungot, "Tsk, nakakatampo ka, Babyloves ah! Alam mo bang parang kina Kuya Blake at Ate Anya na meant to be din ang mga pangalan natin?"
Tinaasan ko ito ng kilay sabay cross arms, "At aber? Bakit nga ulit?'
Nagulat naman ako nang bigla na lang itong humawak sa may bandang dibdib niya na akala mo nasaktan, "Ouch! Ouch talaga, Babyloves? Seryoso?! Nakalimutan mo agad ang pangalan ko?"
"Bakit kailangan ko bang alalahanin?"
"OUCH ULIT, BABYLOVES! Sapul na sapul na ko ah! Kumbaga sa DOTA, na-triple kill mo na ko!"
Inikutan ko lang ito ng mata saka ako naglakad palayo dito. Bahala siya kung ayaw niyang sabihin. Eh sa anong magagawa ko kung hindi ko talaga maalala yung pangalan niya?! Tanging pangalan lang kasi ni YASSERmyloves ang naalala ng hearteu~ ko! Hihi!
Isa pa, pakielam ko ba sa pinagsasasabi niyang "meant to be" daw yung pangalan namin? Hilo ba siya? Hindi kaya nasobrahan si kuya sa paghithit ng baby powder at kung anu-anong kalokohan na lang ang pumapasok sa isip? Like duh! Isipin niyo naman, yung weird na nga na pangalan kong "YUIJIN ASTRAEA" may ka"meant to be" pa?! Hagis ko ito sa Han River eh!
At nung akala ko hindi na sumusunod pa sakin ang kumag, ABA! Nagulat na lang ako nang biglang mag-appwar disappear one half one fourth yung asungot sa harap ko!

BINABASA MO ANG
LIVING with the GANGSTERS [ONHOLD]
Ficção AdolescenteNagsimulang magulo ang nananahimik at "almost perfect" life ni Anya nang walang awang kinuha sa kanya ang pinakamamahal na kasintahan. Ito ang siyang naging dahilan kung bakit nalagay sa bingit ng panganib ang buhay ng dalaga. Alang-alang sa kanyang...