Chapter 20: Angel with a Shotgun

11.2K 300 19
                                    

"The wise man in the storm prays to God, not for safety from danger, but from deliverance from fear”

-Ralph Waldo Emerson

CHAPTER 20: ANGEL WITH A SHOTGUN

 

ANYA'S POV

Hingal na hingal at takot na takot ako habang nagpapahila kay Nathan sa pagtakbo. Nanginginig na din ang buong katawan ko habang naririnig ang sunud-sunod na pagputok samin ng baril. Oo, alam kong kami ang target ng kung sinumang nagpapaputok dahil dinig namin ang mga nagmamadaling yabag nila habang sinusundan kami. Buko pa doon, daplis na natatamaan ng bala nila ang mga puno sa gilid ng gubat na tinatakbuhan namin.

Hindi pa nakatulong samin ang malalim na sugat ni Nathan sa hita. Nakikita kong patuloy na nagdurugo iyon at kung patuloy kaming tatakbo, hindi malayo na maubusan siya ng dugo dahil sa sugat. Kahit na ba kasi nalapatan ko na yun ng first aid, hindi pa din yun sapat para tuluyang magsara yung sugat. Pansin ko din na hindi na lang iniinda ni Nathan yung sakit. Pero nag-aalala ako higit para dito. Makaligtas man kami, siguradong manganganib ang buhay nito sa oras na maubisan siya ng dugo. Kaya naman nagpasya na ako.

Umabot kami ni Nathan sa isang kweba na may tatlong lagusan. Yung gitnang lagusan ng kweba ang mapapansin na may dead end kaya naman napatigil kami sa pag-iisip sa kung anong lagusan ang dapat naming pasukin sa dalawa. Nagmamadaling napaisip kami hanggang sa may napansin agad akong malaking pagkakaiba sa dalawa. Walang pagdadalawang-isip na agad kong hinigit ang kamay ni Nathan patungo sa direksyon nung gitnang lagusan.

"A---anya, si---sigurado ka ba di---dito?"nanghihinang tanong ni Nathan. Hindi ko na lang ito sinagot saka siya pinaupo sa may parte ng lagusan na hindi gaanong nakikita ng iba mula sa labas.

Pilit pa itong nagmatigas, "Anya, a---ano bang ginagawa mo?! Hi---hindi ko kailangang mag---magpahinga! Ta---tara na---"

"HINDI, NATHAN! KAILANGAN MONG MAGPAHINGA! Sa tingin mo ba, makakaya mo pa sa lagay mong yan?! Isa pa, makaligtas man tayo sa kanila, mapapahamak ka pa din sa oras na maubusan ka ng dugo dahil diyan sa sugat mo!"pag-alma ko dito.

"Pero A---Anya, alam ko ku---kung anong iniisip mong gawin at hi---hindi ako makakapayag. Na---nangako ako sa---sayong po---poprotektahan kita hindi ba?!"

Nakangiting tumango ako habang muling nilalapatan ng first aid ang sugat nito, "Alam ko, Nathan. Alam ko. At nagpapasalamat ako sayo. Pero sanpagkakataong ito, hayaan mong ako naman ang pumrotekta sa ating dalawa. Hayaan mong ako naman ang gumawa ng paraan. Please, Nathan. Kahit this time lang, hayaan mo kong tumayo sa sarili kong paa."

Mariing napapikit si Nathan, "Damn, Anya! Pa---paano ko na--naman hahayaan kang gawin yun?! Anya, buhay at kamatayan na ang nakataya dito!"

LIVING with the GANGSTERS [ONHOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon