SA MGA HINDI NAGBABASA NG A/N SA DULO NG UPDATE:
Like I said, EVERY 2 or 3 weeks ang update dito. Hindi po ako regular na mag-UD dito dahil ayoko ng puchu-puchu lang o binasta. Please lang, WAG ATAT.
Kaway-kaway sa mga activ commenters last UD: Thanks for the comments! Ginawa ko ito sa MIWTG, gagawin ko ulit dito. Hindi ako magmemention ng mga may comment na "ate, please UD na po", "UD na po please", "Kelan po ba kayo maga-UD?" Comment man dito, post sa message board ko o PM man yan. Nagmamadali? Kahit nga EDSA ngayon, nagte-take time eh! Nyways, here's the UD. Mahaba ito, yan ang dahilan bakit mabagal ako mag-UD. Enjoy reading!
----"I finally understood what true love meant...love meant that you care for another person's happiness more than your own, no matter how painful the choices you might face be."
-Nicholas Sparks, Dear JohnCHAPTER 33: SAY SOMETHING, SAY NOTHING
KAI'S POV
"Geh, una na ko!"pagpapaalam ko kina Dyo, Chen, Claus, Nathan at Shane. Huling klase na kasi namin ngayong araw at balak ko sanang dumiretso sa dance studio ng campus. At sa pagkakataong ito, hindi para mag-practice.
Takang binalingan naman ako ni Chen, "San' punta mo, Negs? Kala ko ba wala kayong practice sa dance department ngayon sabi nentong si Bulol?"
"Tsk!"angil dito ni Shane na tinawanan lang namin. Magkakasama kasi kami nina Shane at Luke sa Dance Department. Pero t^ngn^ ah! Maka-negs tong taong camel na ito! Kayumanggi ito, sira!
"Ahhh, ba---balak ko lang sanang magpractice ng kaunti. Para makabisado ko na yung bagong itinurong cheoreo ni Kuya Glenn."pagsisinungaling ko.
Napapalatak na lang si Claus, "Tsk, tsk, tsk! Try harder, Kai. Alam mo namang hindi ka magaling magsinungaling. Isa pa, sa tingin mo ba maloloko mo kami ng ganun na lang? Eh minamani mo lang ang pagkakabisado ng cheoreo, kumag!"
Napakamot na lang ako sa ulo. Damn! Bistado na nila ako! Pero...fck! Hindi ko naman pwedeng sabihin na lang sa kanila nang ganun kadali kung bakit ako dadaan ng dance studio at paniguradong magiging tampulan lang ako ng pang-aasar ng mga kumag.
Nakangiting bumaling sa mga ito si Dyo, "Guys, hayaan niyo na lang muna yung tao. Sa susunod niyo na yan usisain. Kung makapagtanong 'tong mga ito, daig niyo pa babae sa pagkatsismosa eh!"tinanguan lang ako nito, "Geh na, umalis ka na. Ako nang bahala sa mga ito."
Malawak ang ngiting nagpasalamat ako dito, "Thanks, Dyo! May utang na naman ako sayo!"
"Oo nga, kailan mo nga kaya maiisipang magbayad?"malokong pahabol pa nito bago ako tinanguan, "Geh na."
At bago pa maka-alma yung mga kumag, nagmamadaling tumakbo na ko papunta ng dance studio. Laking pasasalamat ko na nga lang at nandun si Dyo kanina kundi, hindi imposibleng malaman nung mga loko yung totoong dahilan ng pagpunta ko ngayon dito.
Pero kung hindi nga naman ako magpa-practice, ano nga ba ang dahilan ng pagpunta ko dito sa dance studio?
Inihagis ko na lang yung bag ko kung saan nang makapasok sa dance studio. Naupo ako sa harap at matiyagang naghintay. Napatingin ako sa orasan. 5:15PM. Ilang oras na lang, darating na din siya.
At hindi nga ako nagkamali. Ilang saglit pa, bumukas yung kabilang pinto ng dance studio at pumasok siya. Inilapag niya yung dala niyang bag at music player sa kung saan bago nagpunta ng gitna para mag-inat. Hindi ko napigilang mapatunghay habang pinapanood ito. Mabuti na lang at one way mirror itong nasa dance studio at hindi niya mahahalatang nanonood ako sa kanya.
Ilang saglit pa, lumapit na siya sa music player at sinimulang patugtugin iyon. Noong una, tila nanantiya pa ang mga galawa nito sa simula ng kanta pero habang tumatagal, mas lalong bumibilis ang mga galaw niya na para bang nagiging iisa na lang sila ng kanta. Bawat galaw ng paa niya, bawat ikot ng kamay...hindi ko magawang alisin ang tingin ko dito. Mula nang una ko siyang alsidenteng makitang sumasayaw dito, hindi ko na magawang alisin ang mata ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
LIVING with the GANGSTERS [ONHOLD]
Teen FictionNagsimulang magulo ang nananahimik at "almost perfect" life ni Anya nang walang awang kinuha sa kanya ang pinakamamahal na kasintahan. Ito ang siyang naging dahilan kung bakit nalagay sa bingit ng panganib ang buhay ng dalaga. Alang-alang sa kanyang...