Chapter 21: Vulnerable

11.4K 283 7
                                    

CHAPTER 21: VULNERABLE

THIRD PERSON'S POV

 

"P*T*NGI*A! MGA INUTIL! ISANG GRUPO LANG NG MGA BATA, HINDI NIYO PA MAGAWANG LIGPITIN?! MGA WALA KAYONG SILBI! MGA B*B*!"bulyaw ng isang lalaki sa mga tauhan nito. Nagpupuyos ito sa galit dahil bigo ang mga tauhang inutusan niya na tuluyan nang ligpitin ang mga batang tila tinik sa lalamunan niya at hadlang sa mga plano niya.

Tuloy-tuloy na nilagok ng lalaki ang lamang alak ng kopita niya bago binalingan ang nagsilbing pinakalider ng grupo, "You fcking moron, tell me what the fck has happened?! Paanong isang grupo lang ng mga bata eh hindi niyo pa nagawang ligpitin?!"

Napalunok naman sa takot ang lalaking tinukoy, "Sir, we have done our best. Pero sadyang maswerte po ang mga batang iyon bukod pa po sa hindi din mapagkakailang mga gangsters sila na marunong ding lumaban. Hindi ko din po napaghandaan na isa po pala sa mga target namin ay ang panganay na anak ng Heaven na yun! Pero wag po kayong mag-alala, pangako, hindi na po kami mabibigo sa susunod."

"Oh really? Hindi na talaga dahil wala nang susunod pa."at sa isang iglap...

*BANG!*

Gulat na napasinghap ang lahat nang walang pagdadalawang-isip na binaril ng naturang lalaki ang pinakalider ng grupo. Humandusay ang walang buhay na katawan nito mismo sa harap nila. Pigil ang mga emosyon na nagpanggap silang tila balewala lang ang lahat kahit na halos balutin na sila ng takot sa nangyari.

Malademonyong ngumisi naman sa kanila ang lalaki na tila ba tuwang-tuwa habang pinagmamasdan ang lalaking walang-awa niyang kinitil ang buhay, "Tsk, tsk, tsk...tama lang yan sa mga tulad niyang wala nang silbi pa sa mundo."nakangiting binalingan nitoa ang ilan pa sa mga natitirang tauhan na nasa harap niya, "Ngayon alam niyo na kung anong mangyayari sa inyo sa oras na biguin niyong muli ako. Nagkakaintindihan ba tayo?"

"Yes, Sir!"sabay-sabay na sagot ng lahat.

"Very well, very well..."at nabalot ng malademonyog halakhak ng lalaki ang naturang kwarto na siyang siguradong makakapagpataas ng balahibo sa kung sinuman ang makakarinig.

ANYA'S POV

Nagmamadaling agad na isinugod namin ng hospital sina Dyo at Yoda Boy. Mabuti na lang din at doktora si Tita Hell kaya agad niyang nagawan ng karampatang lunas yung mga tama nila Dyo at Yoda Boy habang hinihintay naming dumating ang ambulansya. Wala nang malay ang mga ito nang dalhin sila sa ICU.

LIVING with the GANGSTERS [ONHOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon