Nagsimulang magulo ang nananahimik at "almost perfect" life ni Anya nang walang awang kinuha sa kanya ang pinakamamahal na kasintahan. Ito ang siyang naging dahilan kung bakit nalagay sa bingit ng panganib ang buhay ng dalaga. Alang-alang sa kanyang...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
“And I’d choose you; in a hundred lifetimes, in a thousand worlds, in any version of reality, I’d find you and I’d choose you.” - Keirsten White, The Chaos of Stars
CHAPTER 48: YOU, ME & EVERYTHING IN BETWEEN
ANYA’S POV
“KIEEEERRRRR KOOOO~!”
“Anya, bilis! Itago mo ko! Shit, shit, shit! Parating na siya!” halos nagpa-panic na sabi ni Kier habang nagmamadaling maghanap ng pagtataguan. Nagtatakang nagkatinginan na lang kami nina Chae-Chae, Min-Min at Shim-shim.
Kasalukuyan kasi kaming magkasamang lahat na naglalakad patungo sa susunod na klase namin. Sakto namang magka-klase kami ni Kier dito kaya nakisabay na siya samin.
Agad na nagtago sa likod ng isa sa mga bench sa paligid nitong campus si Kier bago pa dumating ang isang super cute na babae. Ang sarap lang pisilin ng mga pisngi nito lalo na nung ngumuso ito nang makitang wala sa tabi namin si Kier.
Pero ang tanong---WHO IS THIS POKEMON?!
“Ay, nawala agad si honeybunch bebeloves sweetie pie cupcake ko! Kainis! Natakasan na naman ako~”tila batang nagpa-padyak pa ito ng paa.
Nang silipin ko si Kier mula sa pinagtataguan nito ay halos mapangiwi ito sa tawag sa kanya nitong cute na babae. Himala yata?! Ngumingiwi ang isa sa mga pinaka-babaerong kilala ko sa isang BABAE?! Pumuti na ba si Kai----este, ang uwak?! Tumino na ba si Chen?! Lumiit na ba ang tenga ni Yoda Boy ko?!
Ayiieee may “KO”, may pagmamay-ari~
HIHIHI~ Tse, tumigil ka nga, Anya! HAHAHAHA!
“Miss, excuse me lang huh? Bakit mo ba hinahanap si Kier?” hindi na napigilang tanong ni Min-min dito.
Malawak ang ngiting bumaling naman ito samin at halos mapa- “awww” kaming lahat nang makita ang super cute na eyesmile nito! Idagdag mo pa yung pagkatambok-tambok niyang pisngi na parang ang sarap lang talagang pisilin!
“Ay, sorry! Ako nga pala si Yukina Iris Hyun, senior high sophomore student din tulad niyo at certified stalker ni bebe Kier Servin Herrera ko, hihihi!”
Halos nanlalaki ang mga matang nagkatinginan kaming tatlo. Si Kier, may stalker?! YUNG TETEE?! At partida pa, itong super cute na babaing ito talaga ang stalker niya?! Pero hindi ba----
Nanlalaki ang mga matang binalingan ito ni Chae-Chae, “ATENG, SERYOSO KA?! YUNG TETEE, SI KIER PA TALAGA?! YUNG BAKLITANG ABNORMAL NA YUN TALAGA?!”
Tumnago-tango naman si Min-min sa tabi nito, “Sa ganda at pagka-cute mong iyan, si Kier pa talaga?! Malabo ba ang mata mo, besh?! Seryoso kang quote and unquote, huh? “STALKER” este, di bagay, “ADMIRER” ka ng baklitang malandi na yun?!”
“Tsk, hindi halatang may galit sa’kin itong mga ito, AISH!” hindi ko napigilang impit na mapatawa sa mahinang reklamo ni Kier.
Pero cute na cute na tumango lang si Yukina, “Hihi, thank you sa compliments niyo pero seryoso ako, ang cute-cute pero ang hot din kaya ni bebe Kier ko!”