Chapter 31: ANYA in WONDERLAND

10.7K 212 4
                                    

[A/N: Sorry for the late UD pati sa puchu-puchung edit sa MM. Para lang naman ma-imagine niyo. BTW, official theme song of BlaNya: SOLDIER by BEFORE YOU EXIT. Share langs~
*READ BETWEEN THE LINES ^__^]

CHAPTER 31: ANYA IN WONDERLAND

ANYA'S POV

Naloloka ang bangs at naguguluhang hinanap ko sa napaka-ayos kong desk (note the sarcasm) yung last page ng kinopya kong reference para dito sa research proposal ko sa Literature. Kainis naman kasi! Kung bakit kasi sa lahat ng pwedeng mawala, yun pa?! Yun pa naman ang pinakamahalaga sa lahat ng nakuha kong reference!

Kasalanan kasi ito ni NotPa eh! Last minute ba naman kung magsabi ng deadline ng reasearch proposal! Parang nung isang linggo lang in-announce na kailangan naming magpasa tas agad-agad ang pasahan? Yung tetee? Nasaan ang hustisya?! Kaya nga heto, kahit na sabado, nagka-cramming ako sa paggawa nitong research proposal pati na din pala ng presentation para sa next week! Hindi na nga ako nakasama kina CL, Min-Min at Shimmer nung magaya silang manood ng "Minions" eh! Eeeeeeehhhh! Tagal ko pa namang hinintay yun!

Buti pa nga sila, hindi nirerequire ng professor nila sa Lit. na gumawa ng research! Kaya ayun, hayahay lang yung tatlong bruha habang ako heto, halos baligtarin na ang buong mansion sa paghahanap ng katiting na papel!

Inis na ginulo ko na lang ang buhok ko. Aish! Wag na nga lang hanapin! Ganyan yan eh! Kung kailan mo hinahanap, saka ayaw magpakita tas' kung kailan hindi mo na kailangan, saka pakalat-kalat! Frustrated na napabuntong-hininga na lang tuloy ako. Paano ko ito matatapos ngayon?!

Susuko na sana ako nang...

*TING!*

TAMAAA! Aish! Kaya ka nasasabihang Krung-Krung, Anya eh! Ba't ko nga ba nakalimutan na may library nga pala dito sa mansion?! Yosh! Makakagawa na din ako sa wakas!

Excited na nagpunta ako sa library sa may 2nd floor. May 5 floors kasi itong Phoenix Wing. Base sa kwento ni Barbie Doll, sadyang pinalakihan nila itong mansion dahil nga ito yung dating nagsilbing HQ ng Black Knights. Kaya nagmistulang hotel na din ito para sa ibang members ng gang.

Dahil sa malalim na din ang gabi, hindi na din nakakapagtaka na ako na lang yung tanging gising dito. Lalo na at kanina eh nagkayayaan yung iba na maglaro ng soccer sa may field sa campus. Ayun, plakda silang lahat pagkauwi! Haha! Wawang mga bata, tsk, tsk, tsk!

Hindi ko pa din mapigilang mamangha sa laki ng library dito sa mansion kahit na ilang beses na din naman akong nakapasok dito. Kung tutuusin, halos kalahati na siya ng laki ng library sa campus eh! Pero siyempre, mas malaki pa din yun.

Binuksan ko na agad yung laptop na nandito na may database ng lahat mga libro dito sa library. At kung suswetehin ka nga naman, meron dito nung mismong librong pinagkuhanan ko ng reference! Yosh! Anya, fighting!

Nagpalinga-linga ako dun sa linya ng rack ng mga libro kung saan nakalagay daw yung librong hinahanap ko. Halos mabali na nga yung ulo ko sa kakatingala pero wala---

AYUN!

Yosh! Sa wakas! Nahanap ko na din siya! Yun lang----AISH NAMAN TALAGA OH! Kainis naman eh! Ba't nasa may mataas na rack pa siya nakalagay?! And take note, nakapatong lang siya dun sa mga nakaayos na libro! Paano ako nito ngayon?!

At dahil nga sobrang tangkad ko (note the sarcasm), tumalon-talon na ko para maabot yung libro pero wala eh! Walang pagasa! Kaya naman, no choice na ko at sumampa na ko sa may pinakailalim nitong rack para lang maabot iyon. Unti-unti ko na sana siyang makukuha nang bigla na lang may kamay na humawak din sa librong kinukuha ko.

Fishtea, sino naman kaya ito?!

"Aish! Wag ka na ngang maki-agaw! Ako nang unang nakahanap eh! Bukas ka na lang, please!"pakiusap ko habang nakikipag-agawan pa din sa kanya ng libro.

LIVING with the GANGSTERS [ONHOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon