Chapter 32: Between Falling and What If's

11.8K 248 22
                                    

CHAPTER 32: BETWEEN FALLING AND WHAT IF'S

ANYA'S POV

"Good Morning, Anya!"

Agad akong napabaling sa gilid ko sa taong bumati sakin. Hindi ko naman mapigilang mapangiti nang bumungad sakin si YuNa na----KYAAAAAAAHHHH! GRABE LANGS TALAGA! Ba't bagay na bagay sa kanya yung uniform namin? Halos lahat nga ng mga nadadaanan naming estudyante hindi mapigilang mapalingon sa kanya. Sa ganda at posture ba naman, kahit ako na mismong babae na, mati-tibs talaga!

Malawak na nginitian ko ito, "Good morning din, YuNa! Ngayon nga pala ang first day niyo ni SuZy dito, noh?"

Tumango ito, "Yups. Medyo kinakabahan nga ako eh. Alam mo naman, halos kalahati na ng school month kami nagsimula. Mabuti na nga lang at ikaw agad ang nakita ko."napalingon ito sa tabi ko, "Hindi mo yata kasama yung iba?"

"Ahhh...sina CL, Minzy at Shim-Shim ba?"tumango ito, "Maaga daw silang pumasok kasi inaasikaso nila yung para sa club meeting namin mamaya."

Tumango-tango naman ito, "Uhmmm, yu---yung BK 2.0?"

"Ay, sila bang tinutukoy mo?"namumulang tumango ito. Ba't ko nga ba nakalimutan na naging malapit nga pala siya sa kanila? "Sina Troy, Luke, Dyo at Kai, dumiretso sa library. Ang alam ko, ipa-finalize yata nila yung presentation nila. Sina Chen, Claus at Kris naman, dumaan ng Vitamins. Tutulong daw muna sila tutal at mamayang hapon pa naman yung sunod na klase nila. Sina Shane at Nathan, pumuntang Bubble Town. Alam mo na, mga adik sa bubble tea. Si Kier kasama yung bestfriend niya pati sina V at Drew."

"Si Blake?"

"Si Yoda Boy?"tumango siya, "Hmmm...ang pagkaka-alam ko kasi, maaga yun umalis. Ang sabi lang sakin ni Kier, may kakausapin daw?"

"Ohhh..."sabi lang nito. Napansin ko na lang na bigla na lang siyang tumamlay. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na talaga ngang mahal niya si Yoda Boy. First love never dies nga, di ba?

*CRASH!*

Wala sa sariling napahawak ako sa dibdib ko. Bakit bigla na lang may nabasag nang maisip ko yun? Napabuntong-hininga na lang ako. Tahimik na nagpatuloy kami sa paglalakad ni YuNa.

Ayon dito, pareho pala sila ni Yoda Boy na nasa Section X. Ibig-sabihin...hindi malayo na mapalapit ulit sila sa isa, di ba? Hindi malayo na mahulog ulit si Yoda Boy kay YuNa at sa pagkakataong ito, wala nang pwedeng pumagitan sa kanila. Hindi na kailangang umalis ni Yoda Boy at hindi na iisipin pa ni YuNa yung magiging sitwasyon nila kapag nagkataon.

Sila kasi talaga ang para sa isa't isa.

Hindi ko maintindihan pero bigla na lang akong nanlumo sa naisip ko. Napailing na lang ako. Bahala na nga! Psh!

"Anya?"

"Yups?"baling ko kay YuNa

"Pwede bang samahan mo ko sa may cafeteria? Hindi kasi ako masyadong nakakain ng breakfast kanina."

Tumango ako saka napatingin sa orasan ko, "Sure! Maaga pa naman, eh! Tara?"

Dumiretso na nga kami ni YuNa sa may cafeteria. Bumili lang siya ng ham sandwich at drinks. Didiretso na sana kami sa mga klase namin nang biglang may matanaw si YuNa.

Kinalabit ako nito, "Uhmmm, Anya...hindi ba si Blake yun?"

Agad naman na napakunot ang noo ko, "Si Yoda Boy?"napabaling naman ako sa direksyong tinutukoy nito at parang naaninag ko nga si Yoda Boy na seryosong-seryoso habang may kausap na-----BABAE?!

"Anya, si Blake yun, di ba?"

Tumango ako, "Oo nga. Pero teka, sino yung kausa-----AY! ALAM KO NA! PARANG NAAALALA KO NA KUNG SAAN KO NAKITA YUNG KAUSAP NIYA!"

LIVING with the GANGSTERS [ONHOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon