Chapter 14: She's EXtraOrdinary

15.2K 367 33
                                    

CHAPTER 14: SHE'S EXTRAORDINARY

 

 

 

ANYA'S POV

"ANYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!"

Agad akong napalingon sa tumawag sa napakaganda kong pangalan at wala pa yatang isang millisecond---

*BOOGSH!*

 

*BLAG!*

"KYAAAAAAHHHHHHHH!"tili ko na lang nang bigla na lang akong dinamba---oh yes, dinamba, dinaganan and everything---ng yakap nina CL, Minzy at Shimmer at parang mga batang hindi nabigyan ng lollipop na umatungal ng iyak.

Luh, luh, luh! Anyare sa kanila?!

"Waaaaahhhhhhh! Huhu T.T! Salamat naman at buhay ka pa, Anya! Nag-aalala kami ng sobra sayo! Huhu! Akala ko talaga gagawin ka nang alay ng mga damuhong iyon yung....yung hihiwain nila yung bituka mo, kukunin nila yung atay at balun-balunan mo tapos dudukutin na lang nila yung puso mo para sambahin! Waaaaahhhh!"

*BOOGSH!*

Inis na binatukan ni Minzy si Shimmer. Ang hard, ah! "Exagge lang, Shim?! Ano bang klase yang mga pinapanood mong babae ka at ganyan ka-morbid yang imagination mo huh!"

"Sabi niyo kasi ang shunga ko minsan kaya nanood ako ng documentaries. Yung about sa cannibals, ganun?"

Napapikit na lang si Minzy, "Guys, parang awa niyo na, pigilan niyo ko at talagang may ihahagis ako palabas ng galaxy dito!"

Natawa na lang kami ni CL sa dalawa, "Min, kalma-kalma lang."pagpapahinahon ni CL kay Minzy na talagang nagpipigil batukan ulit ang inosenteng si Shimmer.  Sunod namang binalingan ni CL si Shim, "Ikaw naman, Shim. Kalimutan mo na yung sinabi namin. Dora at Pokemon na lang ang ipush mong panuorin, okay?"

"Okay po!"masayang sabi ni Shimmer.

Binalingan naman ako ni CL, "Pero seriously, nag-alala talaga kami ng sobra sayo, Anya. Akala talaga namin may balak sayong masama yung members ng SkullBashers!"

Umilin ako saka ngumiti, "Okay lang ako, guys. Thank you nga din pala sa tulong niyo. Saka wag na kayong magalit sa kanila, ang totoo niyan, kinuha lang nila ako kasi request daw ni V, yung kapatid ni Kier, na maka-bonding ako, kaya ayun. Pero wala naman silang ginawa sakin, totoo nga niyan ang babait pa nila eh!"

LIVING with the GANGSTERS [ONHOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon