Chapter 19: Because He's Manly

11.5K 309 23
                                    

 

 

 

 

 

CHAPTER 19: BECAUSE HE'S MANLY

 

 

 

 

THIRD PERSON'S POV

 

"Oh siya, maiwan ko na muna kayo diyan, Shim-shim at Minzy! Kayo nang bahalang kumumpleto ng kit ng bawat team sa event. Siguraduhin niyong walang kukulangin diyan huh!"bilin ni CL sa mga kaibigang sina Minzy at Shimmer. Kasalukuyang nag-aayos ang mga ito ng magsisilbing kit ng bawat team sa darating na member initiation event ng kanilang club.

Tumango naman ang dalawa, "Aye, aye kapitan! Kami nang bahala dito!"

"Geh. Dadaan lang ako ng admin para dun sa final notice sa guards sa sabado."at lumabas na nga ng kanilang clubhouse ang dalaga. Naiwan namang abala sa pag-aayos ang mga kaibigan nito.

Bawat isang kit ay naglalaman ng GPS tracker, mapa ng course, walkie talkie sa oras ng emergency, 2 pito kada isa at isang emergency light. Agad na inihanda ito ni CL matapos maaprubahan ang kanilang request na gawing lugar na pagdadausan ng kanilang official club member initiation event ang kagubatan sa paligid ng haunted building sa loob ng kanilang campus. Ito ay upang makasigurado at mapanatag na din sila sa oras na may mangyari mang di inaasahan.

Tapos na sina Minzy at Shimmer sa pagkumpleto ng kit nang biglang tumunog ang cellphone ni Shimmer. Agad na nanlaki ang mata niya nang makita ang laman ng mensahe.

"Omigosh, Min-min! Pwede ba kong maagang mag-out ngayon?! Pleaseeee! Ngayon kasi yung out ng bagong labas na BB cream sa Etude House at kailangang ako ang unang makabili nun! Sige na, Min-Min! Promise, aagahan ko sa Sabado!"sabay puppy eyes ni Shimmer sa kaibigan.

Napapalatak na lang si Minzy, "Lengya ka talaga, Shim! Kung hindi lang talaga kita kaibigan! Sige na, ako nang bahalang magpaliwanag kay CL. Layas na!"

"KYAAAAAAHHHHHHHH!  Thank you belli belli mats talaga, Min-min! Labyu 5evs!"at akmang yayakapin sana nito ang kaibigan nang ambangan siya nito ng kamao niya.

"Spare me with your cheesy antics, please, Shim? Lumayas ka na lang! Tsk!"at umalis na nga si Shimmer. Nakangiting napailing na lang si Minzy. Sadya kasing may pagka-vain ang kaibigan nilang iyon. Kung tutuusin, hindi na nga niya maalala kung paano niya naging kaibigan ang isang yun, samantalang magkaibang-magkaiba sila ng personalidad.

Napasandal na lang si Minzy sa upuan saka itinaas ang mga paa sa lamesa sa harap niya, "Tsk! Sana pala, isinama namin si Anya nang may kasama ako. Ay, shoot! Oo nga pala! May  research paper pa nga pala yung bruha sa Humanities! Saya---*BRRRRRRR*"nanlaki ang mata ni Minzy saka agad na napahawak sa tiyan niya nang maramdamang bigla iyong kumulo.

LIVING with the GANGSTERS [ONHOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon