Chapter 29: The Perfect Pawn

12.5K 298 34
                                    






[A/N: Sa lahat po ng OL sa twitter and ChanDara shippers, please help us trend #CHANDARAONWEBDRAMA. Change your Trend location first to Korea and let's have a trend Party! yay! also add @NAVER_LINE. Thanks yaw all!]




CHAPTER 29: THE PERFECT PAWN

ANYA'S POV

Ilang oras pa kaming nanatili ni Yoda Boy sa luma at walang katao-taong perya. Sosyalin pa yung sabi ko nung una,maka-amusement park pa ko eh simpleng carnival o perya lang naman ito. Yun nga lang isang walang katao-taong perya. Mugto ang mga mata na napabaling ako sa paligid. Kung abandonado na pala ang peryang ito, paano nagkaron' ng access si Yoda Boy dito?!

Nagtatakang napabaling ako kay Yoda Boy na tahimik lang na pinagdidiskitahan yung damo na inuupuan namin. Tsk,kawawang damo. Nadamay sa saltik ng utak ng tengang ito!

"Yoda Boy,may tanong ako."nanatiling tahimik lang ito kaya nagpatuloy na ako,"Paano nga pala tayo nakapasok dito?"

"Tss,hinila kita papunta dito di ba?"

Bumunot ako ng damo saka binato dito,"Fishtea ka talagang tenga ka!Hindi yun ang ibig kong sabihin!"

"Linawin mo kasi..."

"Eto na nga,nililinaw na di ba? Psh!"ismid ko,"Ang ibig kong sabihin, paano ka nagkaroon ng permiso para makpasok tayo dito?"

"Our family already bought this place. Mom and dad wanted to make this place an amusement park exclusively for children with disabilities, those who were diagnosed with cancer and for homeless children. They wanted to make those children experience the beauty of life that life itself has taken away from them."

Hindi ko napigilang mapangiti sa sinabi nito. Ang saya kasing isipin na ang dating perya na ito na pinagkakakitaan lang ay magkakaroon ng mas makabuluhang silbi para sa mga taong mas nangangailangan nito. Kung tutuusin, wala pa sa kalinkingan ng mga nararanasan nilang hirap ang nararanasan ko ngayon. Kaya habang naiisip sila, pakiramdam ko tuloy, wala akong karapatan na masaktan o magreklamo...pero nasasaktan pa din ako.

Malalim na lang akong napabuntong hininga saka napaubob ng ulo sa pagitan ng mga tuhod ko.Hindi ko na naman kasi mapigilang mapahagulgol habang naaalala ang lahat. Ang hirap lang kasi na tanggapin yung katotohanang hindi na maaring maging bahagi pa ng bukas mo yung naging malaking bahagi ng nakaraan mo....gaano mo man gustuhin.

Tanggap ko na naman ang tungkol sa bagay na iyon pero...ang tanong ko lang, hanggang kailan ako kailangang masaktan ng mga alaalang alam kong kahit kailan hindi na maaring balikan?

Napabaling ako bigla kay Yoda Boy nang walang pasabi itong tumayo saka nagpagpag.Saan naman kaya punta ng tengang ito?

Bumaling ito sakin saka tumango na para bang sinasabing sumunod ako sa kanya. Psh,saan na naman kaya ako dadalhin ng tengang ito? Nagpunas na lang ako ng luha saka sumunod na lang din dito.

Medyo malayo na ang nalalakad namin at dumidilim na din kaya hindi ko na maiwasang kabahan.Napalinga-linga ako sa paligid pero puro lumang mga estante sa perya lang ang nakikita ko. Magtatanong na nga sana ako kay Yoda Boy nang biglang...

LIVING with the GANGSTERS [ONHOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon