[A/N: Nakalimutan ko, dedicated nga po pala ito kay Unnie! Haha! Thank you unnie sa support sa MTTC! Inspired kasi itong chapter ng "The Gamer's Glitch" niya. Try reading it! ang ganda promise!]
CHAPTER 13: THE LEADER'S GLITCH
THIRD PERSON'S POV
Hingal na hingal na tumakbo pabalik ng Black Knights Headquarters sina Shane at Nathan upang ipaalam sa iba ang tungkol sa nabasa nilang sulat. Gulat at nagtataka naman silang sinalubong ng ibang kaibigan.
"Oy, Shane! Nathan! Akala ko ba bibili kayo ng bubble tea? Ba't parang hinahabol kayo diyan at pffftttt---"natatawang nagpigil ng tawa si Kai, "Langya Shane! Anong nangyari diyan sa noo mo?! Laki ng bukoL natin tol ah!"
Sinamaan lang ito ng tingin ni Shane, "Shut up, Choco. We have better things to mind than this fcking bump in my forehead."
Agad na natigilan si Troy na abala sa pagbabasa ng libro nang marinig ang seryosong tinig ni Shane. Ibinaba niya ang libro saka binalingan ang dalawa, "What do you mean?"
"Si Blake, nasaan?"tanong ni Nathan saka nagpalinga-linga sa paligid.
"Nasa taas. May mahalaga yatang bagay na pinapaasikaso sa kanya si Tito Aaron..."sagot ni Kier, "pero teka nga muna, ano ba kasi yung ibig sabihin niyong mahalagang bagay saka ba't parang seryosong-seryoso kayo?"
Nathan heaved a sigh before answering, "Fck, Anya is in trouble, guys. Hawak siya ngayon ng SkullBashers."
Agad na nanlaki ang mata ng lahat saka sabay-sabay na napatayo. Maging ang kanina pa natutulog na si Luke ay tila ba nagising sa pagkakahimbing at dilat na dilat ang mga matang binalingan sina Shane at Nathan. Tila ba hindi makapaniwala ang lahat sa sinabi ng mga ito.
"T***N* naman, Nathan oh! Kung magloloko ka, hindi magandang biro yan ah!"inis na palatak ni Chen
Umiling si Shane, "No, Chen. I really wished we are but we're telling the truth. Kanina paglabath namin, may kung thinong nagpana thamin at kung mamalathin ka nga naman, tha noo ko pa tumama. Pero thiguro thadyang pinatama tha noo ko para mabatha namin yung thulat."hirap na hirap na paliwanag ni Shane. Laking ibang bansa kasi ito kaya hindi sanay magsalita ng tagalog at nagli-lisp sa mga salitang tagalog na may 's'.
BINABASA MO ANG
LIVING with the GANGSTERS [ONHOLD]
Teen FictionNagsimulang magulo ang nananahimik at "almost perfect" life ni Anya nang walang awang kinuha sa kanya ang pinakamamahal na kasintahan. Ito ang siyang naging dahilan kung bakit nalagay sa bingit ng panganib ang buhay ng dalaga. Alang-alang sa kanyang...