Chapter 11: Masking Personalities

15.1K 312 13
                                    

 

 

CHAPTER 11: MASKING PERSONALITIES

 

 

ANYA'S POV

"Uhmm, ang alam ko malayo pa ang April's Fools, huh? Anyare sa inyong tatlo?!"nagtatakang tanong ko nang bumungad lang naman sa akin ngayong umaga ang kakaibang Chen, Kier at Kai.

Paano ko nasabing kakaiba? Namumugto habang nanliliit lang naman yung singkit na mga mata ni Kier, nakasuot lang naman po ng uhmmmm---MINI SKIRT ang dakilang babaero na si Kai at well, dinaig lang naman ni Chen si Goku at lahat ng kilala mong super saiyan sa pagkakatayo at pagkakadikit-dikit ng buhok.

Nagpipigil naman ng tawa na nagpaliwanag si Nathan, "Haha! Hwag mong pansinin yang tatlong itlog na yan, Anya! Parusa lang yan sa kanila ni Blakey boy!"

"PARUSA?! ANONG PARUSA?! PAGPAPAKASAKIT kamo! At talaga nga namang sinulsulan niyo pa?"nagpupuyos sa inis na singhal ni Kier sa iba

Natatawang nagkibit balikat naman si Kris, "What can we say? Leader's orders..."

"JONGINAAAA! AT KELAN PA KYO NATUTONG SUMUNOD SA UTOS NI BLAKEY BOY HUH?!"inis na bulyaw sa mga ito ni Chen na mas lalong ikinahagalpak ng tawa ng lahat.

"Ngayon lang. Makabawi man lang kami sa pangti-trip niyo laging tatlo."dagdag ni Shane

"Teka nga, tekaaa...ano nga ba kasing ginawang parusa ni Yoda Boy sa inyo?"tanong ko. Well, obvious naman pero ano nga ba talaga exactly ang pinaggagagawa nung mga loko sa tatlong pugo na ito?!

"Pakyeol! Pinagtatapon lang naman niya lahat ng eyeliner ko! Mantakin mong pati yung limited edition na eyeliner ko na padala pa ni Dad galing Australia, tinapon ng kumag! Langya! Sarap pingutin talaga ng loko kundi ko kang talag siya pinsan!"reklamo ni Kier.

Agad namang sumingit si Kai, "Buti ka nga, yun lang ang ginawa sayo! Eh paano naman ako? Pinagtatago sa kung saan lang naman ng mga kumag lahat ng pantalon at maong shorts ko at pinalitan ng palda! Nak ng! Paano ako papasok niyan ngayon?!"

Nagpipigil ng tawa na binalingan ko ito. Hindi ko kasi maiwasang itanong, "Uhmmm, Kai....uhmmm, curious lang ako....pa-pati yung---alam mo na---pinalitan nila?"narinig ko namang agad na nagpigil ng tawa yung iba sa tanong ko.

Namumulang nag-iwas ng tingin si Kai saka tumango. Dahil dun, hindi na talaga namin napigilang tumawa! Nyahahahahahaha! Epic fail, juice colored! Kawawang Kai! Ngayon mararanasan na niya kung gaano kahirap maging girl! Well, on the other sude, okay na din pala yung parusa, malay niyo, mabagok yung ulo ng babaerong ito, di ba?

LIVING with the GANGSTERS [ONHOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon