Chapter 18: The Mythical Seven

11.6K 316 15
                                    

 

[A/N: Hi earthlings! Just wanted to promote "THE GANGSTER'S DIARY". Parallel story po iyon ng story na itey featuring Blake's POV. At opo, malaki po ang magiging kinalaman ng diary na yun sa takbo ng story. Paano? You'll find out soon, hihi! Look for it in my profile! Thanks yaw!]

 

 

 

CHAPTER 18: THE MYTHICAL SEVEN

 

 

 

ANYA'S POV

Woooh! Witwew! Katatapos lang ng shift naming lahat dito sa Vitamins at sa wakas matapos ang 1234456789908765432 years, closing time na din ng shop! Yehet! Ohorat! Nyahahahahaha! Kung nagtataka kayo kung bakit uber haggard to the max lang naman ang lola niyo, oh well, sabihin na lang natin na isang malaking SUCCESS lang naman ang re-opening ng Vitamins! Dinumog lang naman kami ng customers! As in! Alam niyo yung feeling na nag-ala Quirino Grandstand yung buong Vitamins sa dami ng creatures?! Ganern na ganern!

At hindi sa nage-exaggerate much ako ng lagay na yan, seryoso po. Paano ba naman, halos puro fangulls ng Black Knights 2.0 at SkullBashers ang pumunta! Nabalitaan yata ng mga ibong tiririt maya na empleyado sila dito kaya sabi nga kung nasaan ang uod, dun ang ibon! Sinong nagsabi? Wala, imbento ko lang yan, haha!

Sensya na din kung medyo bangag ako ngayon. Ikaw ba naman ang kumanta ng 10 straight sets! Halos mamaos na nga ako eh! Pero okay lang, at least nag-enjoy naman kaming lahat at bukod pa doon, malaki ang kinita ng Vitamins! Hihi! Oks na oks na yun!

Nakasara na ang shop kaya nandito kaming lahat ngayon at nagpapahinga. Nakakatuwa nga kasi kahit pagod kaming lahat, masaya naman kami at alam naming todo effort yung binigay namin para ngayong araw. Ang reward na lang siguro namin na maituturing eh yun libreng foods na niluto ni Dyo para saming lahat. Ayun nga sina Claus at Yoda Boy oh! Full force kung kumain! Galit sa mundo at pagkain lang ang inaatupag. Hmmm, san kaya napupunta ang kinakain ng mga ito? Sa tenga at cheekbones nila? Haha!

"Anya, heto oh. Chamomile tea yan. Makakatulong yan para mapakalma yung vocal chords mo."biglang abot sakin ni Nathan ng isang mabangong tsaa.

Ngumiti naman ako dito, "Awwww, thanks Nathan! Kailangan ko nga nito ngayon! Pero teka, saan mo naman ito nakuha?"

"May nahanap lang akong ganyan nung nagkakalkal ako sa kusina kanina. Naisip agad kita. Nabasa ko kasi sa kung saan na nakakatulong daw yan para mapakalma ng katawan. Eh mukhang napagod ka kanina sa pagkanta, 10 straight sets ba naman."

"Hehe, oo nga eh. Salamat dito huh?"pagpapasalamat ko na nginitian lang nito. Uminom na konung tsaa nang mapansin ko si Shane na malokong nakangisi samin, "Uy, Shane! May problema ba?"

LIVING with the GANGSTERS [ONHOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon