Chapter 28: Breaking, Tearing and Falling Apart

11.6K 288 34
                                    

[A/N: Sorry for the super late UD! Busy sa work bukod sa nabadtrip ako sa mga bashers ni Yeollie! Ang gagaling nilang sumayaw ah! Hiyang-hiya naman sa kanila si Yeol at si Dobi ko pa ang nag-sorry! Alam niyo bang may sakit pa siya pero pinilit niyang mag-perform?! That's my Chanyeollie! Pero binash pa siya! Geh, you already! Naturingan pa kayong EXO-L! Peke yata kayo eh! Pero geh na, Kayo nang magaling sumayaw! Hiyang-hiya kami eh! #Whogoat haha! Sensya sa rant! Si Yeol kasi aka Blake ang inaaway, siyempre, gyera ito! Haha! Love ko yan eh! Sagad!]

CHAPTER 28:BREAKING, TEARING AND FALLING APART

 

 

 

 

 

 

ANYA'S POV

 

Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko hanggang sa purong kadiliman ang bumungad sakin.Agad akong bumangon saka minasdan ang paligid.Nasaan ba ako?Teka...nasa kwarto ko na ako?A--ano ba talagang nangyari?Pilit kong inalala ang lahat at isa-isang nagbalik sakin ang sakit ng katotohanan.Ang katotohanang hanggang ngayon ay hindi ko pa din magawang tanggapin.Ang katotohanang...hindi na ako ang nasa puso ni Hersheys.

Napasapo ako sa mukha at muling hinayaang tumulo ang mga luha ko.Hinayaan ko lang ang mga itong tumulo hanggang sa hindi ko na napigilan pa ang mapahagulgol.Paulit-ulit kong sinuntok ang dibdib ko sa sobrang paninikip nito.Pakiramdam ko,paulit-ulit akong sinasaksak hanggang sa tuluyan na akong hindi makahinga.

Napatango ako ng ulo saka pilit na pinigilan ang mga luha ko.Hindi pwedeng manatili kang ganito,Anya.Hindi.Siguradong pag-aalalahanin mo lang ang lahat sayo.Tama.Hindi ko na sila dapat pang idamay sa pinagdadaanan ko.Masyado na akong magiging pabigat kung pati sila pag-aalalahanin ko pa

Marahas kong pinunasan ang mga luha ko saka binuksan ang lampshade sa ibabaw ng bedside table ko. Napabaling ako sa oras na nasa alarm clock.

12:30 AM

Madaling-araw na pala.Pero teka...paano ako nakarating dito sa kwarto?Ang huling pagkakatanda ko,hinabol ako ni Yoda Boy papunta sa secret haven niya.Tapos umiyak ako nang umiyak hanggang sa...ano na nga bang sunod na nangyari? Hindi ko na maalala pa. Pero siguro nga, si Yoda Boy na din ang nagdala sakin dito.

Alam ko, dapat naiinis ako sa kanya. Dapat sinisisi ko siya. Kung hindi niya sana niya itinago sakin ang katotohanang may---may iba na si Hersheys, sana...sana...hindi ko na kailangan pang gawing katawa-tawa ang sarili ko. Sana hindi ko na kailangang paasahin ang sarili ko sa wala. Pero hindi ko magawa....

LIVING with the GANGSTERS [ONHOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon