"I am deathly afraid of almosts---of coming so close to where I want to be in life that I can almost taste it, almost touch it, then falling just a little short."-Beau Taplin
CHAPTER 47: ALMOST WE, ALMOST LOVE
THIRD PERSON'S POV
"Inspector..."
Agad na napabaling ang tingin ni Inspector Justice sa boses na tumawag sa kanya. Napangiti naman ang batang inspektor nang makita bumungad si Blake sa kanyang harap. Kanina pa ito hinihintay ni Inspector Justice sa kanyang tahanan upang ipaalam dito ang naging resulta ng isinagawa nilang autopsy sa bangkay ni Arthur at DNA forensics result ng ipinadala ng batang Magno na sample na maaring magturo sa kanila kung sino ang tunay na nasa likod ng lahat.
"Young Magno, salamat at napaunlakan mo ang paanyaya ko."
Umiling lang ang binata, "Ako po dapat ang nagpapasalamat sa inyo sa lahat ng tulong niyo." saad nito bago nagseryoso, "What I am wondering is about this secret meeting. It was unlikely of you to ask me for this kind of a meeting, Inspector."
Tumango ang batang inspektor, "I am fully aware of that and it was because what we're going to discuss about is highly confidential. But before that, would you first like to have some drink?"
Umiling lang si Blake, "Hindi na, Inspector. Uuwi din naman agad ako matapos nitong meeting at tumakas lang din ako sa mansion. They might wonder where the hell I am."
"Bakit kasi hindi mo pa sabihin ang lahat ng nalalaman mo sa Black Knights at sa mga kaibigan mo? Panigurado namang mas matutulungan ka nila pag nagkataon."kunot-noong tanong ni Inspector Justice.
Hanggang ngayon kasi ay hindi pa din lubusang naiintindihan ng batang inspektor kung bakit pilit na inililihim ng batang Magno sa kanyang pamilya at sa mga kaibigan ang lahat ng mga nalalaman nito tungkol sa kaso. Inspector Justice knew how much powerful the family where Blake came from could be. Idagdag mo pa ang yaman ng pamilya ng kanyang ina na Herrera's pati ang mga pamilya ng bawat isang gangsters sa ilalim ng Black Knights at BK 2.0, hindi na nakapagtatakang hinihingi ng pamahalaan ang tulong nila sa mga komplikadong kasong hindi malutas ng mga gaya niyang kasapi ng awtoridad.
Together with the power of the whole gang and of the Magno and Herrera clan, Inspector Justice is quite sure it will be an easy pie for this young man to find out the truth behind the suspect of the crime that happened years ago and to eliminate whoever that bastard might be.
Kaya ipinagtataka ng batang inspektor kung bakit? Bakit inililihim pa ni Blake ang tungkol sa lahat ng mga nalalaman niya?
But the answer that Inspector Justice was given was far from what she expected for Blake just gave a smirk at her, "It's because this is my battle to fight."
"What do you mean?"
"I'm not entirely keeping this from the gang, this is just my way of facing my own battle."
BINABASA MO ANG
LIVING with the GANGSTERS [ONHOLD]
Teen FictionNagsimulang magulo ang nananahimik at "almost perfect" life ni Anya nang walang awang kinuha sa kanya ang pinakamamahal na kasintahan. Ito ang siyang naging dahilan kung bakit nalagay sa bingit ng panganib ang buhay ng dalaga. Alang-alang sa kanyang...