CHAPTER 8: KRUNG-KRUNG & YODA BOY
ANYA'S POV
Yawn~
Ay teka, teka! Masyadong sosyal! Iba na lang!
HIKAAAAAABBBBB~
Yan, mas bet ko yan! Nyahahahaha XD!
Halos mapahikab na ko sa antok habang binabasa itong laman ng notebook. Ang totoo niyan, wala naman talaga siyang laman kaya wala talaga akong babasahin. Ang tino ko kausap noh? Hehe, sensya na, inaantok na nga po di ba? Nyways, ang ibig ko pong sabihin, kanina ko pa nilulugaw ang utak ko kung anong gagawin ko sa notebook na ito.
Ang weird lang kasi na....binigyan-bigyan ako ng notebook na walang laman di ba? Ano ito para sa school? Eh halos malula na nga ako sa dami ng school supplies na binili at ipinadala sakin ni Tita Hell eh! Feel ko nga nabili na niya lahat ng laman ng bookstore sa dami!
So, anong gagawin ko dito? Aanhin ko ito?
Napakamot na lang ako ng ulo saka nag-unat. Ah, bahala na nga! Hayaan mo na nga lang muna siya diyan! Kinuha ko muna yung notebook at inilagay sa ilalim ng drawer ng study table ko. Oh bongga di ba? May study table na ko! Actually po kasi niyan, nasa loob na po ako ng aking malinis at kumikintab na kwarto sa mansion!
Gulat kayo noh?! Yups! Malinis na po ang mansion namin---este, NILA pala! Nagylat nga din kami noong una eh!
Pagkagising kasi namin nung araw ng general cleaning, naloka kaming lahat nang makitang halos shining, shimmering, splendid na ang mansion! As in yung sa sobrang linis at kumikintab niya, pwede ka nang manalamin sa sahig! Nagtatakang nagkatinginan uloy kaming lahat.
Paano ba naman kasi, aminado naman kami na hindi 100% yung pagkakalinis namin ng mansion. Bukod pa sa hindi pa namin natatapos yung iba. Sa laki ba naman! Kaya nga nagtaka kami kung sinong angel from up above the heavens ang tumapos ng lahat.
Noon kami napabaling kay Chen na wagas-wagasan lang pre kung makatawa. Yung totoo? Yun naman pala kasi, puro doodle lang naman yung mukha ni Blake ng pentel pen! Ay, grabe langs talaga! Hindi tuloy namin naiwasang mapahagalpak din ng tawa. Ang lakas nga lang din ng topak nina Dyo, Kier at Nathan at pinicture-an pa siya! Pang-blackmail daw sabi nila. Baaaaadddd >.<!

BINABASA MO ANG
LIVING with the GANGSTERS [ONHOLD]
Teen FictionNagsimulang magulo ang nananahimik at "almost perfect" life ni Anya nang walang awang kinuha sa kanya ang pinakamamahal na kasintahan. Ito ang siyang naging dahilan kung bakit nalagay sa bingit ng panganib ang buhay ng dalaga. Alang-alang sa kanyang...