CHAPTER 12: TROUBLE IN PARADISE
ANYA'S POV
Sabay-sabay na napatungo kaming apat ng ulo pagkasabi nun ng lalaking bumungad sa amin. Ala ka! Ano nang gagawin namin ngayon?! Kinakabahang nagkatinginan kami hanggang sa maigting na napalunok si CL saka determinadong bumulong.
"Girls, pagbilang ko ng tatlo, alam niyo na ang gagawin huh?! It's now or never na talaga. No choice tayo. Ang kaso eh kung lalaban ba tayo o hahayaan natin silang dakpin tayo. So, ready?"
Sabay-sabay na lang kaming napatango. Eto na ito! This is really, really, really it! Go, Anya! Kaya mo yan! Mga gangsters pa naman ang kasama mo tapos di mo kayang idepensa ang sarili mo?! Fighting, Anya! Aja!
Nagsimula nang magbilang si CL, "Isa.....dalawa......tatlo......
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
TAKBOOOOOOOOOOOOOOOOOOO!"
Pagkasabi nun ay saka kami nagmamadaling tumayo saka nagsitakbuhan palayo doon sa mga lalaki na ikinagulat nila. Hah! Ano namang akala niyo?! Lalabanan namin sila?! Ano iyan,suicide lang ang drama namin?! Hindi, uy! Mahal ko pa buhay ko noh! Sa susunod na lang ako magmamatapang kapag keri ko na pero sa ngayon, hulihin niyo kamiiiii! Waaaahhhhh >O<!
Nagulat na lang ako nang biglang may yumakap sa baywang ko, "YOSH! HULI KA!"
Agad na lang akong natigilan nang buhatin ako nito na parang sako lang ng bigas. Errr, kuya, konting gentleman naman diyan oh! Napansin ko ding tila natigilan sina Shimmer, Minzy at CL sa pagtakbo pero agad naman akong sumigaw.
"GIRLS, TAKBO LANG! HUWAG NIYO KONG ALALAHANIN, KAYA KO ITO! ILIGTAS NIYO NANG MGA SARILI NIYO!"
"BA---BABALIKAN KA NAMIN, ANYA! HIHINGI LANG KAMI NG TULONG! HINTAYIN MO KAMI!"dinig kong sigaw nila bago sila tuluyang makatapak sa loob ng pulang linya na teritoryo naman ng school.
BINABASA MO ANG
LIVING with the GANGSTERS [ONHOLD]
Teen FictionNagsimulang magulo ang nananahimik at "almost perfect" life ni Anya nang walang awang kinuha sa kanya ang pinakamamahal na kasintahan. Ito ang siyang naging dahilan kung bakit nalagay sa bingit ng panganib ang buhay ng dalaga. Alang-alang sa kanyang...