Chapter 25: Ante Diluvium

12.9K 256 20
                                    

 

 

 

CHAPTER 25: ANTE DILUVIUM

 

 

 

 

THIRD PERSON'S POV

"Miss Hell, ito na po yung resulta ng pinatrabaho niyo po sa amin."

"Ahhh, gayun ba? Salamat naman. Sige, makakaalis na kayo."nakangiting pagpapasalamat ni Hell sa mga tauhan. Agad namang umalis ang mga ito. Sakto namang pagpasok ni Aaron sa library kung saan naroroon ang asawa.

Ilang buwan na ang nakalilipas mula nang makabalik sila mula sa kanilang honeymoon sa Korea ngunit nagpasya ang mag-asawa na ilihim na muna ang kanilang pagbabalik sa kanilang mga anak at sa buong gang. Maliban na nga lamang sa mga taong pinagkakatiwalaan nila. Nais kasi nilang ayusin ang mismong gusot na kinasasangkutan na hanggat maaari ay hindi na madamay pa ang mga bata.

Nagtatakang nilapitan naman ni Aaron ang asawa,"MineKo, you asked them to do something for you?"Hindi naman kasi madalas na nag-uutos si Hell lalo na nang hindi nagsasabi sa kanya.

Naupo si Aaron sa harap ng asawa saka takang tinignan ang mga papeles na nasa ibabaw ng lamesa nito. Nakangiti naman siyang binalingan ni Hell, "Correction, MineKo. The thing is, I asked them to do something not for me, but for bebe Anya."

"For Anya? Tungkol naman saan?"

Malalim na napabuntong-hininga si Hell, "It's about her boyfriend, GD. Nais kasing malaman ni Bebe Anya kung kamusta na ito ngayon. Sabi kasi niya sakin, dinala ito ng mga magulang niya sa America para doon magpagaling. Aside from that, she also have a hunch that those mysterious guys who attacked them are also connected to the persons that we are hunting for."

Natigilan si Aaron. Kung maari lamang talaga niyang sabihin kay Anya ang lahat. Ngunit sa ngayon, alam niyang hindi pa ito ang tamang oras dahil tiyak na masasaktan lamang ang dalaga sa mga malalaman.

"MineKo, you know very well how complicated our situation was, right?"

Tumango naman si Hell, "I know. Pero hindi ko lang magawang tanggihan yung hiling ng bata. Isa pa, hiling niya yun bilang isang taong nagmamahal. Isipin mo, MineKo. Kung ikaw ang nasa sitwasyon niya, hindi ba't gugustuhin mo ding makaalam man lang ng kahit anong balita tungkol sakin?"

Tumango naman si Aaron. Napailing na lamang siya saka tumayo upang hagkan ang asawa. Wala naman siyang magagawa pa. Kahit kailan, alam niyang  hinding-hindi siya makakatanggi sa asawa. Napangiti na lamang siya nang suklian nito ang yakap niya.

LIVING with the GANGSTERS [ONHOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon