CHAPTER 15: DANGER AHEAD
THIRD PERSON'S POV
Tahimik na humiwalay sina Blake, Thunder at Yasser sa nagkakasiyahang grupo upang palihim na mag-usap. Napagpasyahan ng mga ito na sa attic na lamang pag-usapan ang tungkol sa nais ipasabi kay Blake ng kanyang ama. Seryoso at napupuno ng tensyon ang namagitan sa tatlo.
"Tell me, what does dad wanted to tell me?"agad na tanong ni Blake.
Nagkatinginan naman sina Thunder at Yasser saka sabay na malalim na napabuntong-hininga, "Kuya Blake, hindi na kami magpapatumpik-tumpik pa. Tungkol ito doon sa USB nina mommy at daddy na nakuha namin."
"What about it?"
Si Yasser na ang nagpatuloy,"Young Master, nagawa na naming mabuksan ito at lahat kami nagulat sa files na laman ng USB. All were highly-classified files about the group responsible for killing Thunder and Ate Anya's parents as well as putting their lives into danger. Files on the same group that the whole gang is currently on the look-out for."
Gulat na napabaling sa mga ito si Blake saka tila ba unti-unting naintindihan ng binata ang lahat, "That puts all the puzzle pieces together. Kaya pala hinalughog ng mga taong iyon ang bahay nila at nagawang patayin sina Tito Lucas at Tita Sophia alang-alang sa bagay na yun...FCK! DAMN THOSE BASTARDS!"gigil na sambit ng binata.
Nagpatuloy si Yasser, "The files contain names of big and famous people in all aspects that were having illegal transactions with the group including assasination and drugs. Hinala namin na nagawang kopyahin iyon nina Tito at Tita mula mismo sa main computer ng grupo. Pero may mas malaking bagay kaming ikinababahaala..."
"Ano iyon?"
Malalim na bumuntong-hininga si Thunder saka seryosong tumingin dito, "May isang highly-classified file na naglalaman ng nga pangalan ng mga kasabwat ng grupo sa kapulisan pero higit pa doon, may mga panaga, n din ng mga kasabwat nila sa mga gang kasama na ang SkullBashers at Black Knights."
Nanlalaki ang mga matang napatayo si Blake, "WHAT THE FCK?! Ang ibig niyo bang sabihinnay may mga taksil sa grupo?!"
Sabay na tumango ang dalawa, "Much as we hate to say this, but unfortunately...Yes, Young Master. Kumpirmado na pong may mga taksil sa grupo. Dahil may laman din pong file ang USB ng iba't ibang misyon natin."
BINABASA MO ANG
LIVING with the GANGSTERS [ONHOLD]
Teen FictionNagsimulang magulo ang nananahimik at "almost perfect" life ni Anya nang walang awang kinuha sa kanya ang pinakamamahal na kasintahan. Ito ang siyang naging dahilan kung bakit nalagay sa bingit ng panganib ang buhay ng dalaga. Alang-alang sa kanyang...