Chapter 4: The Element of FIRE

15.3K 387 27
                                    

 

 

 

 

[Dedicated po itong chapter kay ate kasi na-inspire po akong magsulat ng mystery and psycho thriller sa story niya na Midnight Murders. Grabe lang ang twist! Sakit sa bangs, buti na lang meron ako! More power po and teecee always!]

 

----

 

CHAPTER 4: THE ELEMENT OF FIRE

 

 

 

ANYA'S POV

 

Matapos ng lahat ng mga nanyari ay oinilit kong magpatuloy. Kahit na gaano man kasakit ang mga pinagdaanan ko, patuloy akong kumakapit at lumalaban. Bakit? Dahil may natitira pa akong rason...

Ang kapatid kong si Thunder, amg paghahanp ko ng hustisya para sa pagkamatay ng mga magulang namin at...si Hersheys.

Panatag ako na kahit dinala man siya ng mga magulang niya sa Amerika, sa oras na magisin ito ay babalikan niya ako. Alam kong mahal ako ni Hersheys at hindi niya ako iiwanang mag-isa.

 Halos magi-isang buwan na ang nakalilipas matapos ng lahat ng mga nangyari. Inirekomenda sa amin ni Tita Star, ina ni Yasser, na sumailalim kami sa isang psychological therapy dulot ng matinding pinagdaanan namin. Naging maayos naman ang lahat. Niresetaha  lang ako ng kinonsulta naming psychiatrist ng ikang antidepressants.

Mabuti na lang din at ialng buwan na din matapos ang school year kaya nagawa naming makapagpahinga ni Thunder. Pero ilang buwan na kang din at magsisimula na ang bagong school year. Nasa Grade 11 si Thunder habang  nasa huling taon naman ako ng high school.

Pero matapos ng lahat ng nangyari, nagdesisyon akong tumigil na lang sa pag-aaral nitong taon at maghanap na ng trabaho. Hindi ko pa nakakausap si Thunder tungkol sa desisyon ko dahil alam kong hindi papayag yun. Nga lang, sa sitwasyon naming ito, kailangan kong magpaka-praktikal.

Wala na din naman kasi kaming ibang maaasahan kundi ang isa't isa. Halos patay na kasi lahat ng mga kamag-anak ni papa habang wala kaming ni isang nakilala sa mga kamag-anak ni mama. Ang kwento kasi sa amin ng mga ito, tutol ang buong pamilya ni mama sa relasyon nila ni papa kaya napilitan silang magtanan. Mula noon ay itinakwil ng pamilya niya si mama.

Humigit ako ng malalim na buntong-hininga at akmang babangon sana para kumuha ng maiinom nang biglang...

*BANG! BANG! BANG!*

 

LIVING with the GANGSTERS [ONHOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon