Chapter 3: Losing Grip

16.4K 402 10
                                    

 

 

 

 

 

 

[This chapter is dedicated po kay Ate Beeyotch aka Ate Eydee! Hi ate! Si ate po kasi ang naging dahilan ng pagiging EXOstan este EXO-L ko...uyyy, may official fandom name na tayo guyses! Nyways, more power po ate! Lalo na po sa "These Crazy Bastards"]

 

----

 

A/N:

Continuation pa din po ito ng FlashBack ni Anya,huh?

 

Here's the Update! Enjoy reading earthlings!

++++++++++++++++++++++++++++++++++

 

 

 

 

 

 

 

CHAPTER 3: LOSING GRIP

 

 

 

 

 

 

[STILL A FLASHBACK]

 

 

Kahit na patuloy na nagdadalamhati sa pagkamatay nina mama at papa, pinilit namin ni Thunder na asikasuhin ang libing ng mga ito. Hindi ko lubos na maipaliwanag kung gaano kahirap para sa amin ang sabay na ihatid sa huli nilang hantungan ang parehong naming mga magulang. Tila ba napakabilis ng mga pangyayari. Kaninang umaga lang, nagpapaalam pa ako kay mama.....ngayon...ngayon, kailangan ko nang tuluyan na talagang magpaalama sa kanila ni papa....

Sa tulong ng kababata, classmate at matalik na kaibigan ni Thunder na si FROST YASSER SHIN o Yasser, sa amin, nagawa naming maisaayos ang libing nina mama at papa. Ayon na din sa huling habilin ni mama, tinulungan din ako nitong makahanap ng malilipatan. Inalok pa nga ako ni Yasser na sa condo unit niya kami parehong manirahan ni Thunder ngunit tumanggi ako.

Dahil nga alam naming pareho kaming nasa bingit ng kapahamakan at may mga taong naghahanap sa amin, nagdesisyon akong hiwalay kami ng magiging tirahan ni Thunder. Ayaw pa nga nitong pumayag sa desisyon ko noong una.

"Ate Anya naman! Dalawa na nga lang tayong natitira tas' magkakahiwalay pa tayo?! Ayoko. Hindi ako papayag. Kung saan ka, dun din ako."matigas na pahayag nito

Seryosong hinarap ko ito at hinawakan sa magkabilang balikat, "Thunder, umayos ka nga! Huwag sanang maging makitid ang utak mo ngayon! Akala mo ba gusto ko ang desisyon ko? Akala mo ba hindi ako nahihirapan?! Sino bang gustong malayo sa tangin natitira mniyang pamikya, huh?!"

LIVING with the GANGSTERS [ONHOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon