" Anong hindi, Alison naman!"
Sigaw ni Dion sa aking harapan. Agad tumulo ng sunod sunod ang aking mga luha. Hindi ako makagalaw para yakapin siya, hindi ako makatingin ng diretso sa mga mata niya, hindi ko kayang humingi ng tawad. Hindi ko kayang magsalita at depensahan ang sarili ko.
" Sinabi kong wala na, Dion, hindi na ikaw, hindi ko alam kung paano nangyari, hindi." Nakayuko lamang ako sa kaniyang harapan, nakahawak siya sa kaniyang sentido at kagat kagat ang labi habang nakatingin sa akin ng matamlay ang mga mata. Kahit na nahihirapan ay sinalubong ko parin ang kaniyang mga mata upang ipakitang hindi ako naapektuhan ng mga namumungay niyang mga mata.
" Hindi mo alam? Hindi mo alam pero nararamdaman mo yan? Paanong nawala? Paanong tumigil? Paanong hindi na ako?, Alison, ipaliwanag mo!" Umiling iling ako, hinawakan niya ang magkabilang braso ko at saka niya ako tinignan sa mga mata.
Bakit ba kasi ganito ang puso ko? Pinilit ko, iniwas ko, pinigilan ko, pero hindi ko nagawa. Ganoon na ba kalakas ang dating ng lalaking iyon, kaya ako nahulog ng ganito sa kaniya?
" Mas mahal ko na siya, Dion, yung hinahanap ko sayo, sa kaniya ko nahanap, sa kaniya ko naramdaman yung ibang pakiramdam na hindi mo naibibigay noon sa akin---"
" Limang taon, Alison, limang taon na tayong magkasama, bakit hindi mo man lang sinabi sa akin na may hinahanap ka pa palang iba na gusto mong iparamdam ko sayo, bakit hinanap mo pa sa iba?!" Sigaw niya sa harapan ko na muntik ko ng ikamura. Ramdam kong nasasaktan si Dion ngayon, alam kong nasaktan ko siya, sa bwat patak ng luha niya sa kaniyang mga mata, nakikita ko ang hinagpis niya.
Hinawakan niya ang beywang niya, at saka umiwas ng tingin sa akin.
" Nakaramdam ako ng sawa, Dion, nagsawa ako sayo, nakaramdam ako ng panibagong kilig sa kaniya, Dion, itigil na natin to." Aktong aalis na ako ng hawakan niya ang aking beywang mula sa aking likuran. Agad ko siyang hinarap dahil sa ginawa niyang iyon.
Hinawakan niya ang aking pisngi, at hinawi ang luhang naiwan doon.
" Hindi ka aalis saakin, Alison, saakin ka. Hindi ka pwedeng basta basta nalang aalis dahil lang sa ibang nararamdaman mo para sa lalaking iyon!" Umiling ako. Hindi ako pwedeng magtagal, kasi kung patuloy kong makikita ang luha niya at maririnig ang pagmamakaawa niya, baka hindi ko magawang iwan siya dito ng mag isa.
Hindi ko din naman kayang iwan ka, Dion.
" Aalis na ako, Dion. Maaatim mo bang makasama parin ako kahit na hindi na kita mahal at wala na akong nararamdaman para sayo?" Malumanay na ang pagbigkas kong mga iyon, naging malumanay na din ang kaniyang mga mata. Hawak niya parin ang aking beywang.
" Akala ko ba sabay nating aabutin ang mga pangarap nating dalawa? Akala ko ba pagkatapos ng limang taon--"
" Pagkatapos ng limang taon? Itigil mo na ang kahibangan mo, Dion, sino ba naman ang makakaabot sa ganoong klaseng relasyon, Dion? Ha?!" Kinagat niya ang kaniyang labi. Umiwas ako ng tingin sa kaniya.
Kumalas ako sa kaniyang pagkakayakap.
" Mahal na mahal kita, Alison, sobra. Bakit mo kailangang gawin sa akin ito? Mahal na mahal--"
" Mahal din kita Dion, pero tama na. Itigil na natin ito, wala ng mababago, aalis na ako."
Kahit na napakahirap ko siyang iwanan ay umalis ako sa harapan niya. Mabigat sa loob habang naglalakad ako paalis sa harapan niya.
Salamat sa lahat Dion. Mahal kita pero tama na.
BINABASA MO ANG
It's Never Been Us (Published under Wordsmith's Pub House)
RomanceAstraea Alison Montalvo and Isaiah Dion Chavez are both an Athlete. Wala silang inatupag kung hindi ang maging student-athlete sa kanilang paaralan. They are both pro with their sports, well infact, they are both MVP's in Volleyball and Basketball L...