52

34 8 0
                                    

" This also, Dion, please?"

Pagmamakaawa ko dito habang namimili kami ng mga pagkain para sa pagpunta namin sa aming bakasiyunan. Hindi ko alam kung saan iyon dahil si Levence ang nagbook, pero alam kong maganda naman iyon, kaya ayos lang, tsaka libre niya, hindi na ako aangal pa kapag ganoon.

" Baby, you can eat that? All of that? It's too much." Sambit ni Dion sa malamig na boses. Bumusangot ako sa sinabi niya. Pero hindi ko parin ibinabalik ang pagkain na hawak hawak ko.

Nakatingin lang ako ng masama sa kaniya.

" Mahaba naman ang byahe, kaya mauubos ko ito, sige na, please?" Pagmamakaawa ko dito, umiling parin siya. Inilagay ko parin sa cart namin ang pagkain na hawak ko, pero kinuha niya iyon at ibinalik sa lalagyan nito.

" Alison, napakarami na nito-"

" Last na, parang awa mo na, paborito ko ito e." Pagdadabog ko.

" Kiss me then, I'll buy this for you." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Agad akong umiling. Inaasar niya pa akong ilalagay na niya sa lalagyan namin ang pagkain na paborito ko at ginawa niyang limang boxes, napapikit ako habang nakikita iyon.

Pinaka paborito ko iyong pagkain, simula pa noong bata ako, kaya hindi ko matiis na hindi bilhin iyon tuwing nasa grocery store ako.

" Dion-"

" Isang halik, limang kahon nito." Napakagat ako sa aking labi, shit. Hindi ako makatiis, gusto ko talaga iyon e.

Nakakahiya namang humalik dito, maraming tao, baka mamaya ay pagtinginan kami dito. Si Dion naman ay nakangising nakaharap saakin, alam niya naman ang kahinaan ko kapag dating sa pagkain.

" Dion-"

" Ayaw mo, ibabalik ko na ito-"

" There. Put it here na." Pinutol ko ang sasabihin niya nang hinalikan ko siya sa kaniyang pisngi. Ngumiti naman siya at saka inilagay na sa cart namin ang pagkain na iyon. Ngumiti din ako dahil doon.

Nang matapos kami ay pumila na kaming dalawa para magbayad, siya naman ang magbabayad kaya sasama lang ako sa kaniya.

" Pagod na ba ang mga paa mo? Baka nangangawit ka na." Alalang tanong niya saakin habang nananahimik akong nakatayo sa gilid niya at nag aabang na kami na ang magbayad. Tumingin din ako sa kaniya at saka ngumiti, umiling naman ako.

Tinignan ko ang paa ko, namumula na nga siya.

" Ayos lang, malapit na tayo, tsaka baka pabawasan mo iyong box ng pagkain ko." Nakanguso kong sambit sa kaniya, tumawa naman siya sa sinabi ko. Kumusilap ako sa kaniya.

Lumabas kami ng grocery store matapos kaming magbayad. Nasa aking ang plastic ng pagkain ko. Baka kasi hindi niya ibigay at magpahalik nanaman siya para makuha ko iyon.

" Saan na pala tayo pupunta?" Tanong ko habang inaayos ang seatbelt ko.

"Sa pinagkukunan ko. Tsaka sa mga iba pang tattoo artists ko. Tapos mamaya, kain tayo sa labas kasama sila Mama."

" Hindi ba awkward sa iyo? Na kumakain pa ako kasama ninyo? Kahit na alam niyo naman na wala na tayo?" Takang tanong ko dito. Tumingin siya saakin bago niya paandarin ang sasakyan niya.

" Alam mo namang una palang, gustong gusto ka na ni Mama at Papa, kaya kahit alam nilang wala na tayo ay hinahanap hanap ka parin nila." Lumingon ako sa bintana, panay building naman ang nakikita, kaya boring din kung tititigan mo ng matagal.

Tinignan ko nalang kung paano magmaneho si Dion. Napakaingat parin naman niyang magmaneho, kahit kailan kapag nakasakay ako sa kotse niya ay hindi niya binibilisan ang takbo namin, at ingat na ingat talaga siya. Nagpi flex din ang mga muscle niya sa braso niya kapag may oras na ililiko niya ang sasakyan.

It's Never Been Us (Published under Wordsmith's Pub House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon