19

49 23 0
                                    

" Grabe napagod ako."

Angal ni Julia ng matapos kaming mag practice, kami nanaman ang nanalo kaya naman masaya ang mga kasamahan ko. Kanina natapos na din sila Genesis, nanalo din sila.

" Good job, Teams! Tuwang tuwa nanaman ang Head sa inyo, baka hindi nanaman kayo isama bukas sa practice." Pumalakpak naman kami dahil sa narinig.

" Edi Coach, makakalabas nanaman kami?" Pang aasar ng mga kasamahan naming lalaki, agad namang napangiti si Coach Jeric at saka siya dahan dahan na tumango, kaya naman tumalon ang iba sa saya. Natawa naman ako sa inasta nila, parang mga bata.

Tinignan ko si Genesis na nakikipag kwentuhan sa mga kasamahan niya, siya lang naman kasi ang may alam ng mga lugar dito, kaya baka nagtatanong na sila ng pupuntahan namin.

" Magpahinga na kayo at magpalit, pag isipan niyo na kung saan kayo ulit mamamasyal." Tumango kami at nagpaalam na kay Coach Jeric dahil may meeting din sila kasama ng mga iba pang Coach at mga Head.

Naglalakad na kami pabalik ng marinig kong tinawag ako ni Genesis.

" Alison."

" Bakit?" Tanong ko dito, agad siyang lumingon sa mga kasamahan namin na dire diretso lang na lumakad palayo.

" Kita tayo mamaya, hindi ba tutulungan mo ako?" Tanong niya, naalala ko nga pala.

Tumango ako at saka ngumiti.

" Oo, sabihin mo nalang sakin mamaya kung saan."

*

' nasa parke ako, hihintayin kita.'

Basa ko sa mensaheng ibinigay ni Genesis, nakaligo naman na ako, kaya naman didiretso na ako doon. Hindi na muna ako magpapaalam kay Julia dahil nasa banyo pa, kaya lumabas nalang ako ng maingat.

" Genesis, bakit dito pa? Doon nalang kaya sa kainan? Gusto kong kumain." Hawak ko pa ang tiyan ko para makatotohanan, agad naman siyang tumango at saka ngumisi, kaya naman nakangiti akong lumabas ng parkeng tahimik na iyon at saka sumunod si Genesis.

Pagdating doon ay pumila ako kaagad para kumuha ng makakain, si Genesis naman ay naghihintay lang sa akin sa lamesa na napili niya.

" Mauubos mo ba iyan?" Turo niya sa aking pagkain, napakarami ng nilagay ko, hindi ako kumain ng almusal dahil sa practice, ngayon ako babawi ano.

Tumango ako at saka sinimulang kumain, nakatingin lang si Genesis sa akin.

" What's our first step then?, bukas ay sasama siya saatin lumabas ulit." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, edi maganda, mas makakagalaw siya sa unang hakbang namin, bukas naman pala ay narito si Levence.

Nilunok ko ang aking pagkain at saka tumingin sa kaniya.

" Bukas, bumili ka ng bulaklak, sasamahan kita, kapag nariyan na ang sasakyan at pababa na si Levence, salubungin mo siya at ibigay ang bulaklak, alalayan mo din bumaba ng kotse." Nag thumbs up pa ako sa sinabi kong iyon, tingin ko, romantic nga kapag ganoon ang gagawin niya, hindi na magtataka ang mga kasamahan ko.

Nangunot naman ang kaniyang noo, pero kaagad ding sumang ayon saakin.

" What else?" Nakatingin siya ng diretso sa aking mata, kaya naman kita kong nakikinig siya ng maayos.

Seryoso ba siya?

"Tignan mo siya lagi sa mga mata kapag kinakausap ka niya, kasi minsan, napapansin kong umiiwas ka ng tingin sa kaniya." Nagtaas siya ng kilay.

" Ano? Kailan ko ginawa yan?"

" Tuwing kinakausap ka ni Levence, lagi kang umiiwas ng tingin, parang ayaw mo siyang kausap, ganoon." Umiwas siya ng tingin sa sinabi ko, see? Natamaan.

It's Never Been Us (Published under Wordsmith's Pub House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon