31

41 15 0
                                    

" 1 point for Yellow Team!"

Sigaw ng MC ng laro namin. Nauuna parin kami sa score.

" Alison, serve mo, huwag mo agad ipatira." Tumawa ako sa sinabi ni Sam. Pumwesto ako sa likuran ng iba ko pang kasama at saka itinira ang bola.

Nang maitira ko na sa kabila ay nasalo naman nila. Nakuha ni Julia, at saka nakuha din ng kabila. Pumwesto ako sa gitna upag tirahin, hindi naman nila natira pabalik.


" 1 point for Yellow Team, that powerful slap from Montalvo, again." Tumawa ako sa sinabi ng MC. Umiling naman ang mga nasa kabila.

Ilang segundo nalang ay patapos na ang laro namin. Ni hindi nila ako pinalitan, para hindi makaka score ang kalaban, hindi na din ako nag aksaya ng oras na uminom pa. Dahil magsisimula din naman kaagad kami.

" 1 point for Blue Team." Pumalakpak ako.


Si Julia naman ang nag serve ng bola, hindi naman nila agad nasalo kaya nanalo kami.

Nagyakapan kami at sinigaw ang yell namin, bago nakipag kamay sa mga kalaro namin.

" Alison!" Sambit ni Genesis ng makaupo ako sa tabi ng mga gamit namin. Hawak ko ang magkabilang tuhod ko at habol ang hininga dahil sa pagod na natamo sa practice. Hindi ko muna siya pinansin, pinakalma ko muna ang sarili ko sa pagod na nararamdaman.

Sina Julia at iba kong kasama naman ay nakaupo din at panay ang punas sa kanilang katawan, halos maubos din nila ang mga tubig nila.


" Pahinga na muna tayo."


*


" Ang sakit ng katawan ko, grabe."

Reklamo ni Julia habang nasa kwarto kaming dalawa at maliligo na para makapag palit at makapag pahinga na.


" Sina Genesis may laro ba mamaya? O bukas pa?" Takang tanong ko sa kaniya. Nagkibit balikat lang siya, kaya naman kinuha ko ang telepono ko at tinawagan si Genesis.

Isang ring lang ay agad na siyang sumagot.

" Hello?"

" May laro kayo ngayon?" Sambit ko sa kaniya. Tahimik ang paligid niya.


Inayos ko ang sapatos ko sa lalagyan nito, at saka ako naghanap ng maayos na damit na maisusuot.

" Wala pa. Saan kayo mamaya? Kita tayo sa parke?" Tanong niya. Wala naman kaming pupuntahan ngayon, kumain naman na kami.

Tumango ako kahit na nasa telepono siya.

" Sige, kita tayo doon mamaya." Nag ayos ako ng aking sarili. Hindi ko maipaliwanag kung gaano ako ka excited nang malaman kong magkikita kami ni Genesis. Nakangiti ako habang nag aayos ng aking sarili sa harapan ng salamin, kahit na wala pa akong blush on o kahit anong make up ay napaka ganda ng itsura ko, mamula mula pa ang aking mga pisngi, bakit kapag kay Dion, hindi na ganito ang nararamdaman ko?

Nagiba na nga ang lahat.


" Genesis!" Niyakap ko siya sa sobrang excited kong makipag kita dito sa parke na kami lang ang nakakaalam. Bakit hindi nila ito nakikita?


Humarap siya saakin at saka ginulo ang buhok ko ng kaunti.

" You startled me."



" Bakit mo nga pala ako tinawag?" Umupo ako sa duyan na inuupuan ko noon pa kapag nagkikita kaming dalawa dito.

Naaalala ko pa noon, dati ay nagsusungitan pa kami kapag nagkikita kami ditong dalawa. Pero ito ang unang pagkakataon na pumunta kami dito na hindi nagsusungitan.


It's Never Been Us (Published under Wordsmith's Pub House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon