" What is he talking about?"
Tanong saakin ni Dion ng makabalik sa kwarto namin ni Julia. Kinausap niya sa labas si Genesis, kaya kanina ay hindi ako mapakali.
" Anong sinabi niya sa iyo?" Nagtatakang tanong ko, humarap siya sa akin at saka nakapamulsa niya akong tinignan sa mga mata, lumuhod siya para makita ang aking benda sa paa.
" Nalinisan mo na ba ito?" Umiling ako, kinuha niya ang first aid kit na narito sa side table ko, at saka bumalik siyang lumuhod saakin at maingat na tinanggal ang benda ko sa paa.
Nakatingin lang ako sa kaniya, naka office attire parin naman, at hindi mo aakalaing nagbabasketball siya.
" Ano bang pinagusapan niyo? Anong sinabi niya?" Sambit ko, tumingin siya saakin bago niya nilagyan ng gamot ang aking paa.
Napagiwi ako dahil doon.
"Ang mahalaga, saakin ka, Alison, hindi ka niya maaagaw." Namula ang pisngi ko sa sinabi niya. Tumango ako ng dahan dahan dahil doon. Pinalibutan niya ng benda ang aking paa, at nang natapos na siya ay iniligpit na niya ang gamot na inilabas niya at saka ibinalik ang kit sa aking side table.
" Baka makagawa nanaman tayo ng eskandalo, Dion, mayroon kaming record sa Head, baka mamaya hindi kami makasama sa Regionals." Yumuko ako sa sinabi ko.
Itinukod niya ang kaniyang mga kamay sa akin, at saka ako hinalikan sa aking noo at bumaba iyon sa aking labi.
" Magpahinga ka, iyon ang gawin mo, huwag kang mag aalala, hindi ako gagawa ng problema, hmm?" Ngumiti ako, hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at saka iyon pinisil. Tumawa ako doon, tinanggal niya ang kaniyang coat at ang itim niyang necktie.
" Nagpakuha ako ng pagkain mo kina Julia, nag order din ako, gusto mo ba hindi muna ako uuwi bukas?" Nag isip ako, baka naman mamaya, kapag hindi siya uuwi ay matatambak siya ng gawain, kaya mabuting uwi na siya.
" Baka busy ka pa, umuwi ka na muna, kaya ko naman e." Ngumiti ako para maging magaan ang loob niya, umiling siya bago binasa ang pang ibabang labi,umayos ako ng aking upo at saka hinintay ang pagkain ko.
" Really? Kaya mo? Naabutan nga kitang inaalalayan ng mga kasamahan mo." Pagpipilit niya.
" Baka bukas, makapag lakad na ako, hindi naman na masyadong masakit e, ilalakad ko na to bukas." Sambit ko, tumango naman siya. Kumatok si Julia at saka inabot ang pagkain ko, naka tray, may bottle water pa at saka juice.
Kumaway siya saakin, kaya naman kumaway ako pabalik.
" Salamat, Julia."
" Kain ka marami!"
Inabot saakin ni Dion ang pagkain ko, nagsimula naman akong kumain, kapagkuwan ay sinusubuan ko siya. Wala pa naman kasi ang inorder niya, kaya hati muna kaming dalawa.
" Marami pa akong kailangang gawin, next month, makakauwi na sila mama, sakto, tapos na din ang Regionals niyo, kaya makakalabas tayong dalawa." Tumango ako sa sinabi niya.
Pagkaraan ng ilang minuto ay nakarating na ang pagkain niya, nakisubo din naman ako doon, nang natapos na kami ay humiga na, doon nanaman ulit makikitulog si Julia sa kabilang kwarto, mabuti nalang at mabait ang babaeng iyon kahit na minsan ay kalog.
" Alison, huwag mo akong iiwan, kahit na may ibang lalaking gusto kang kunin saakin, sana sa akin parin ang bagsak mo." Sambit niya. Tumingin ako sa kaniya habang namumungay ang mata, tinakot ba siya ni Genesis? Hindi naman siya ganito magsalita noon, ano ba kasing pinag usapan nila?
" Dion, ano ka ba? Hindi naman talaga kita iiwan e, diba? Pinag usapan natin yan?" Niyakap ko siya, tumagilid siya ng higa at saka ako niyakap pabalik.
BINABASA MO ANG
It's Never Been Us (Published under Wordsmith's Pub House)
RomanceAstraea Alison Montalvo and Isaiah Dion Chavez are both an Athlete. Wala silang inatupag kung hindi ang maging student-athlete sa kanilang paaralan. They are both pro with their sports, well infact, they are both MVP's in Volleyball and Basketball L...