" Genesis, bakit mo ako pinapunta dito?"
Sambit ko kay Genesis. Halos hindi pa ako makatingin sa kaniya dahil ang ganda ng pagkakaayos sa lugar na ito, puno ng bulaklak at panay mga ilaw, nakaka engganyong kumuha ng litrato.
" Alison, I'm leaving." Sa pagkakataong iyon ay saka na ako tumingin sa kaniya ng diretso sa mga mata nito.
Napakurap kurap ako sa sinabi niya, kahit na alam ko naman na aalis na siya.
" Sinabi na saakin ni Dion, bakit ka pala aalis?"
" Kailangan kong magsimula ng bagong buhay, Alison. Napagtanto kong kasalanan ko naman talaga lahat, kaya kayo naghiwalay ni Dion. Na pinaibig kita kahit na may karelasyon ka pa at kayo pa ni Dion noong mga oras na iyon. Na inagaw ko ang oras na dapat ay kay Dion, inagaw ko iyon sa inyong dalawa, Alison. At nahihiya ako sa tuwing naaalala ko ang mga ginawa ko, parang ang baba ng tingin ko sa sarili ko, kasi pumatol ako sa mga karelasyon pa." Mahabang litanya niya. Hinawakan niya ang aking mga kamay, hinayaan ko lang na gawin niya iyon.
Nakatingin din ako sa mga mata niya.
" Genesis, hindi mo kasalanan. Tapos na iyon, kaya tinatanong ko kung bakit ka aalis, bakit mo kami iiwan dito? Bakit iiwan mo ang pagkakaibigan nating apat nila Levence?" Naiiyak na sambit ko sa kaniya. Ngumisi naman siya nang makita niyang nakabusangot ako sa sinabi niya.
" Kailangan ko na ding mamuhay ng maayos. I mean, hindi naman sa ayaw ko na sa inyo, kailangan kong patakbuhin ang kompanya, dahil mag isa ko lang naman na anak, kaya ako din lang ang aasahan nila Mama doon." Paliwanag niya. Tumango naman ako sa sinabi niya.
" Pero Genesis, bakit doon pa? I mean pwede namang dito nalang, kahit na hindi naman na natin maibabalik ang dati nating ginagawa ay pwede pa naman tayong magsama sama dito, hindi ba?"
" Alison, pinangako ko sa iyo noon na hindi ako susuko hindi ba? Iyong mga panahon na iyon na halos ikaw lang ang nasa isip ko. Pero ngayon, hihingi ako ng tawad sa iyo. Sa mga oras na ito, hindi ko na kaya. Hindi ko kayang labanan si Dion, Alison. Sa mga ngiti mo kapag magkasama kayong dalawa, alam kong hindi ko kayang matumbasan iyon. Iyong mga pinagsamahan ninyo ng ilang taon, hindi ko kayang higitan iyon, kasi alam kong sa huli, siya parin naman ang mangunguna, Alison. Nauna siya saakin, nauna siya sa lahat pagdating sa iyo, mas lamang kaysa saakin, at napagtanto kong hindi ko na siguro kailangan pang sumiksik sa inyong dalawa, ayaw ko ng makialam pa, Alison. Gusto kong sumaya ka, alam kong may pag asa pa kayong dalawa, kaya habang maaga pa ay simulan ninyo na ulit ang pinagsamahan ninyo, ituloy niyo iyong mga naudlot na dapat ay gagawin ninyo noon ng magkasama. Talo ako, Alison. At alam mong tumatanggap ako ng pagkatalo." Mahabang lintanya niya sa harapan ko. Huminga ako ng malalim at saka ko siya tinignan sa mga mata nito.
" Genesis, pasensiya na. Pasensiya na kung nasaktan kita. At kung nasasaktan ulit kita. Hindi ko din naman kayang makita kang ganito pero, sa mga araw na magkasama kami ni Dion, nakakaramdam ako ng iba sa puso ko, nabubuhay siya ulit at sinisigaw ang pangalan ni Dion. Hinahanap ng puso ko si Dion, Genesis. Siya parin e. Pinipilit kong itigil ang namumuong pagibig nanaman kay Dion kaya lang, ayaw ng isip ko, at ng puso ko. Genesis, hindi ko gustong masaktan ka ulit pagkalipas ng isang taon, siguro ay sadyang ipinakilala ka ng Diyos sa akin at kay Dion para subukan kung nagmamahalan nga ba kaming dalawa. Pero magaling siya e, ikaw ang ginawang pain, kaya nahulog din ako. Minahal kita noon, Genesis. Alam kong alam mo iyan, pero pansamantala lang iyon, kasi pare pareho tayong nagising sa katotohanan na mali na pala ang ginagawa natin. Kaya sana patawarin mo, kung hanggang ngayon, si Dion parin ang nasa puso ko." Ngumiti siya saakin at saka ginulo ang aking buhok. Umiwas naman ako nang tingin at saka ko pinunasan ang takas na luha sa aking mga mata.
BINABASA MO ANG
It's Never Been Us (Published under Wordsmith's Pub House)
RomanceAstraea Alison Montalvo and Isaiah Dion Chavez are both an Athlete. Wala silang inatupag kung hindi ang maging student-athlete sa kanilang paaralan. They are both pro with their sports, well infact, they are both MVP's in Volleyball and Basketball L...