14

47 23 0
                                    

" Genesis!"

Tawag ko sa kaniya habang walang patid ang tulo ng aking pawis kakahabol sa kaniya.

" May practice ako, mamaya mo na ako kausapin--"

" Ikaw nga ang may kasalanan saakin, bakit ako pa ang maghahabol sayo?" Sigaw ko dito, agad naman niya akong nilingon, agad na tumulo ang aking mga luha dahil sa inis, nanlaki ang kaniyang mata ng makita iyon.

Umiwas ako ng tingin at saka agad na tumakbo paalis ng hihilahin niya pabalik ang aking kamay.

" Alison!"

*

" Si Alison,kunwaring hindi iinom, ayon, binuhat pa para lang makapasok sa kwarto namin." Paliwanag ni Julia.

Pagkatapos akong halikan ni Genesis noong gabi na iyon, hindi ko na maalala ang ibang nangyari, basta nagising nalang ako na nasa kama at suot parin ang suot ko noong gabi na nagpunta kami sa bar, sapatos ko lang ang natanggal.

" Inabutan ako nila Pia e, edi ininom ko, buti pala hindi nagalit sila Coach at Head?" Takot na tanong ko sa kanila. Baka nakita nila akong binubuhat papasok ng kwarto, baka mamaya ay isipin nilang nakainom ako ng sobra at ireport ako kina Mama.

Tumawa si Julia.

" Ano ka? Sinundo nga kami ni Coach Jeric dahil tumba din si Samantha, ayon, si Coach ang nagpasok kay Sam sa kwarto nila ni Criz." Tiling kwento ni Julia. Dahan dahan akong tumango.

Mamaya pa kami may practice, kaya naman narito pa kami sa kainan namin. Narito din naman ang mga ibang players.

" Ang mga lalaki pala? Bakit hindi niyo tawagin? Dito muna tayo." Sambit ni Julia, agad namang tinawagan ni Pia sila Joshua, kaya alam kong maya maya ay narito na sila.

Kinuha ko ang bag ko at saka ako tumayo.


" Aalis na muna ako."


Nagmamadali akong maglakad, dahil baka mamaya ay makasalubong ko sila Genesis.


" Ayun si Alison o! Alison! Nasaan sila Pia?" Nanlaki ang mata ko ng makita ako ni Joshua, naglalakad silang lahat ng sabay sabay, kaya naman nakita ko kaagad si Genesis, kaya lamang ay hindi ako tumingin sa kaniya.

Ngumiti ako kay Joshua at saka tinuro ang pinagkakainan ng mga players dito.

" Naroon sila sa kainan, hinihintay kayo."


" Bakit ikaw?" Singit ni Genesis sa usapan.


Inayos ko ang aking bag at saka tinapik ang balikat ni Joshua para magpaalam.

" Aalis na ako." Ramdam ko ang titig ni Genesis sa akin habang paalis ako sa harapan nila. Bakas naman sa mukha nila ang pagkadismaya at pagtataka, hindi ko nalang pinansin.


Baka pag nalaman ni Dion na nahalikan ako ng ibang lalaki, baka kung anong gawin niya.


" Alison!" Mas binilisan ko ang aking lakad papunta sa aming kwarto, bakit ba kasi ang layo ng kwarto namin?


" Alison!" Tila huminto ang pagtibok ng puso ko ng hilahin ni Genesis ang aking kamay at saka ikulong ako sa kaniyang mga bisig.


Nanlaki ang mga mata ko sa biglaan niyang kilos.


" Bitaw, Genesis." Malamig na sambit ko. Hinila niya ako sa parke na tanging kaming dalawa lang ang nakakaalam.

Hindi ko ibinababa ang aking mga gamit kahit na nabibigatan na ako dito.

It's Never Been Us (Published under Wordsmith's Pub House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon