60

93 6 1
                                    

Isaiah Dion's P.O.V.

" Love, bakit mo naman ginawa iyon!"

Sigaw saakin ni Alison nang itinulak ko siya sa swimming pool, ayaw na ayaw niya pa naman na itinutulak. I am injured, dahil narin sa nakaraang liga, at siya naman ang nag aalaga saakin.

" I just want to see your reaction, Alison, and also, you have to take a shower." Natatawang sambit ko, sinamaan naman niya ako ng tingin, agad siyang umahon sa tubig at saka niya ako nilapitan.

Hindi ako makatayo at nanunuod lang ako sa kaniya kung paano magalit, narito kami sa bahay namin, mabuti nalang at pinayagan si Alison na dito muna sa bahay namin kasama si Mama.

" Ibig sabihin mabaho na ako sayo? Mabaho na ako, ganoon ba? Sinabi mo nalang sana ng diretsahan, hindi naman ako magagalit e." Sambit niya. Umiling ako at saka tumawa ng mahina. Hindi ko ipinapakita na natatawa na ako at gusto ko ng ilabas ang malakas kong tawa.

Kumuha siya ng tuwalya sa loob at ilang minuto lang ay nakabalik na siya, nakaligo na.

" Alison, Anak. Pumasok na kayo ni Dion, kakain na tayo, hindi ba ay may ensayo kayo bukas?" Singit ni Mama sa usapan namin ni Alison. Hindi na muna niya ako pinasama sa susunod na liga kahit na gustong gusto ko, dahil nga sa nangyari saakin, natatakot siyang maulit, kaya pumayag nalang ako na hindi muna sasama.

" Ang galing ni Alison! Bilib ako sa Girlfriend mo, Dion!" Bati saakin ng mga barkada ko nang manalo sila Alison sa Volleyball at makakasama sila sa Regionals. Sayang nga lang at hindi ako kasama, malayong lugar pa naman ang pupuntahan nila.

Hindi bale na.

" Talagang magaling ang Girlfriend ko, Pare. Pareho ata kaming Atleta!" Nagtawanan kami sa sinabi ko bago ko nilapitan si Alison na nakuha na ang kaniyang Medalya, kinuhanan ko siya kanina ng litrato, mamaya kami naman.

Binabati pa siya ng mga kasamahan at kalaro nila kanina, pero nang makita niya ako ay agad siyang yumakap saakin, hinalikan ko naman ang kaniyang noo dahil doon. Napakagaling niya talaga.

" I'm so proud of you, baby." Bulong ko dito. Mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya saakin, ngumisi naman ako dito.

" Thank you for watching, Dion. I love you."

" I love you more."

The way she smiles, iyon ang pinakagusto ko dito, hindi siya nakakasawang tignan kapag nakangiti, kahit na galit ako dito at nagtatampo minsan, isang ngiti niya lang at paglalambing ay susuko ako kaagad.

" Hindi ka mapakali, malayo pa ang Regionals, Alison. Masyado kang excited." Pang aasar ko dito, naka empake na kasi siya ng ilan sa mga damit niya at akala mo'y ngayon na siya aalis dahil sa tuwa.

Tumawa siya sa sinabi ko at saka siya lumapit saakin para maglambing.

" Dion, syempre, unang pagkakataon ko ito sa Regionals, at kapag nanalo kami dito uli, makakapunta na ako International, o di ba?" Sabi niya. Hinalikan ko ang kaniyang labi.

I  am so proud of her.

The way she speaks to me, iyong tipong napakalambing ng boses niya at akala mo ba'y kinakantahan ka ng pampatulog kapag naglalambing siya sa aking tabi.

" Love? Can we order some food? Kanina ko pa gustong kumain ng pizza dito." Pagmamakaawa niya saakin, binigay ko naman ang telepono ko kaagad at siya na ang bahalang ooder ng mga iyon.

Tumalon siya sa tuwa at saka siya tumawag.


" Hindi ka makakasama sa mga practice ko, Dion? I mean, malayo iyon, baka hindi kaya ng gasolina mo, tapos araw araw mo pa akong susunduin." Nag aalala niyang tanong saakin, ngumiti lang ako dito.

It's Never Been Us (Published under Wordsmith's Pub House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon