" Ang sarap po ng pagkain, Tita. Kayo po ba ang nagluto?"
Napatingin sa akin si Mama. Umiling siya at saka tinuro niya ako.
" Si Alison ang nagluto, Dion. Pinagluto niya kasi si Levence kanina." Tumango siya. Nagpunas siya ng bibig niya nang matapos kaming kumain, tapos na din naman ako kaya naman niligpit ko na din ang pinagkainan ko.
Tumuloy kami sa sofa, si Mama naman ay naghahanda na ulit na umalis, dito lang siya kumain sa bahay dahil alam niyang may bisita ako at wala kaming kasamang kumain.
" Dion, kamusta ka na? Balita ko, lumalago daw ang Bussiness niyo ha?" Pagsisimula ni Levence ng usapan, mabuti naman at nauna siyang nagsalita, wala din naman akong maisip na paguusapan namin, at saka si Levence naman daw ang ipinunta niya dito kaya bakit ako sasama sa usapan nila.
Tumingin si Dion kay Levence at saka ngumiti.
" Ayos naman ako. Sa nakalipas na isang taon, iyon ang mahirap para saakin." Nagtaas ako ng kilay sa kaniya at saka ako umiwas nang tingin, huwag niyang sabihing ibubunyag niya?
Hindi pa alam ni Levence.
" Oh, I know it. Bakit pala kayo nagsasama ni Alison ngayon? Alam kong mahal ninyo parin ang isa't isa, bakit nagpapakahirap pa kayo?" Aktong sasabat na ako sa usapan nila ng mauna na si Dion saakin.
Napalunok ako sa sinabi niya.
" That's why I am here. To bring her back."
" Dion-"
" Ayun naman pala e. Bakit hindi kayo mag usap na dalawa? You want her back, Dion, right? And I know Alison, loves you until now, so what's the point of being like this? Magbalikan na kayo kaagad." Umiling ako at saka hinawakan ang likod ni Levence para patigilin siya sa sasabihin niya. Ngumisi naman si Dion at saka tumawa ng mahina.
Tumingin ako sa kaniya nang masama.
" What I mean is, I want her back, that's all. Hindi ko inaasahan na magkakabalikan talaga kami, masakit para saaming dalawa ang nangyari noon." Kumusilap ako sa sinabi niya. Hindi nalang ako nagsalita, pinapanood ko ang bawat kilos niya.
" I understand you, guys. Pero, let's change the topic, ayaw ko namang maging awkward ito. Do you have your kalandian now?" Maarteng sambit ni Levence sa amin, tinignan niya pa kami isa isa. Napalingon naman ako sa kaniya, nag taas baba naman ang kilay niya saakin.
Nag ayos si Dion ng kaniyang sarili at saka umubo ng bahagya.
" I really hate flings, Levence. Hindi ako gumagawa ng ganoon, lalo na kapag alam kong may girlfriend ako." Bumuntong hininga ako.
" Ikaw naman, Alison?" Humarap siya saakin.
Ngumiti ako.
" Wala." Maikli kong sagot. Ngumisi naman si Dion sa sinabi ko. Naglakad si Levence sa kusina. Naiwan kaming dalawa dito sa sala namin.
" To celebrate my success. And para na din icelebrate ang pagkikita nating tatlo, uminom kaya tayo?" Sambit niya habang may dalang mga alak at saka ice cubes. Napailing nalang ako sa dala niya, kailan pa niya alam na may nakatagong alak dito sa bahay? Baka itinuro ni Mama kanina.
Hindi kami gumagalaw ng alak dito, kapag may bisita lang nilalabas.
" Sure. Maayos naman at nandito tayo sa bahay ni Alison, baka mamaya ay malasing iyan, hindi nanaman makapag maneho." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Dion. Noong bumisita ako sa kanila at naparami ng inom ay nakapag maneho ako.
BINABASA MO ANG
It's Never Been Us (Published under Wordsmith's Pub House)
Roman d'amourAstraea Alison Montalvo and Isaiah Dion Chavez are both an Athlete. Wala silang inatupag kung hindi ang maging student-athlete sa kanilang paaralan. They are both pro with their sports, well infact, they are both MVP's in Volleyball and Basketball L...