56

46 10 0
                                    

" That's all for today, thank you for coming."

Naghihintay ako sa labas ng meeting room ni Dion habang hawak ang pagkain niya, mainit pa ito kanina kaya lang ay lumamig na dahil sa tagal ng meeting niya.

" Dion! Kanina pa ako doon sa labas, bukas ang pintuan, hindi mo man lang ako nakita?" Reklamo ko sa kaniya habang papasok sa meeting room nito. Kinuha niya ang dala ko at saka niya tinignan ang laman sa loob, umupo siya at doon na niya mismo kinain ang pagkain sa meeting room, baka nagugutom na ang isang ito.

Tinititigan ko siya habang kumakain, sinubukan ko kasing magluto, at kinakabahan ako baka palpak ang ginawa ko.

" Anong klaseng pang palasa ang inilagay mo dito?" Umuubo niyang sambit. Agad akong kinabahan, tumayo siya at saka tumakbo papunta sa banyo ng meeting room niya. Tinikman ko naman ang pagkain na ginawa ko, maayos naman ang lasa para saakin, bakit ganoon siya umarte?

Hinintay ko siyang makabalik sa upuan niya, at saka ko siya inabutan ng tissue.

" Masarap naman ha? Bakit parang diring diri ka sa pagkain na gawa ko? Alam mo bang ilang oras kong tinimplahan-"

" Ilang oras? Baby, are you? Damn it, bakit ganiyan iyan?" Tinuro niya pa ang lalagyan ng pagkain na nasa harapan namin, tumayo ako at saka ko ulit tinikman, napapikit pa nga ako sa sarap, kaya lang ay inagaw niya ang kutsara at itinabi na niya ang mga iyon at isinilid na sa lalagyan niya.

Napabusangot ako.

" Hindi mo ba nagustuhan? Sabihin mo nalang saakin ng diretsahan, hindi iyong pasuka suka ka pa diyan." Napapapadyak pa ako sa inis na nararamdaman. Nasunod ko naman ng maayos ang mga nasa instruction, kaya bakit hindi siya nasarapan? Kahit nga ilang araw kong kainin iyang ginawa ko ay kaya kong ubusin lahat.

Hindi ata ako papasa bilang asawa.

" No, baby. I really like it when you are practicing your cooking skills, but I really hate the food you are making, baby. It's- damn." Pinagsalikop ko ang mga braso ko sa harapan niya at saka ako nagtaas ng kilay sa sinabi niya. Napakamot naman siya sa ulo niya.

Pareho kaming nakaupo at nagkakatitigan sa isa't isa.

" I like it when you're honest, Dion. Pero bakit dito mo pa sinabi ang bagay na iyan? Paano na ang kinabukasan ko kung hindi ako marunong magluto?" Naiiyak na sambit ko dito. Tumayo siya at saka niya hinapit ang beywang ko at hinawakan ang mga pisngi kong namumula dahil sa hiya at galit.

Bumusangot ako sa harapan niya.

" Handa naman akong mapagod at mapawisang magluto, basta ikaw ang kakain, Alison. Ilang buwan na akong nanliligaw sa iyo, at lagi mo nalang akong pinagluluto, sa tingin mo ay tama iyon?" Nagtaas siya ng kilay.

" Dapat lang ay ipagluto mo ako, iyon ang testing ko sa iyo bilang manliligaw ko. Oo, masarap ka ngang magluto, pero sana naman kainin mo din ang ginawa ko para sa iyo." Nanliit ang mata niya sa sinabi ko, at saka niya hinawakan ang tiyan niya para tawanan ako.

" Kapag kinain ko lahat iyan ay baka sa ospital ang bagsak ko, Alison. Hindi mo ba nakikita? Kulay itim na ang pasta dahil sa daming paminta na inilagay mo, pinapatay mo ba ako?" Napakamot ako sa aking uluhan nang mapagtantong kasalanan ko.

Bakit? Masarap naman kapag maraming paminta e.

" What's my punishment? A kiss will do, Dion." Lumapit ako sa kaniya at saka inilapit ang labi ko sa mga labi niya, ngumisi naman siya bago niya itulak ang swivel chair sa pintuan at kusa itong sumara. Hindi kasi nakasara ang pintuan kanina, nang maitulak ng swivel chair ay sumara na ito.

" Kiss? Hindi tatalab saakin ang halik lang, Alison." Hinapit niya ang beywang ko at saka niya pinagdampi ang mga labi naming dalawa.

" Ayos naman kami dito!"

It's Never Been Us (Published under Wordsmith's Pub House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon