51

42 7 0
                                    

" Good morning, baby."

Napaigtad ako sa bati saakin ni Dion. Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa balat ko. May kasambahay din silang papasok na sana sa kwarto na ito.

Agad akong tumayo at naghilamos sa banyo ni Dion, baka naroon din sa labas sila Tita Emelia at Tito Leonardo.

" Gising ka na pala, Iha. Kanina ay  tulog na tulog ka pa katabi si Dion kaya hindi na muna namin kayo ginising." Sambit ni Tita. Ngumiti nalang ako at saka kinuha ang tray na dala ng kasambahay nila. Naka office attire naman na si Tita at Tito, kaya baka papasok na sila.

May hawak ding paper bag si Tita.

" Sorry po Tita. Dapat ay ginising niyo na po ako kanina para nakapag handa ako ng pagkain kasama ang mga kasambahay ninyo." Nahihiyang sambit ko sa kanila. Tumawa naman si Tito Leonardo sa sinabi ko.

Binigay saakin ni Tita ang paper bag na hawak hawak niya.

" Damit mo ito, Iha. You look cute with your sleepers and your outfit. You look so tiny, hindi ba, Leonardo?" Tawa ni Tita sa suot ko. Agad kong narinig ang tawa din ni Tito Leonardo. Bumusangot naman ako sa harapan nila habang tinitignan din ang suot ko.

" Thank you for this, Tita and Tito. Ingat po kayo sa pagpasok." Bati ko sa kanila. Hinagod ni Tita ang aking likuran, si Tito naman ay hinalikan ang aking pisngi.

" Aalis na kami, kumain kayo ng marami."

" Bye, Mom, Dad." Bati ni Dion. Sinarado niya ang pintuan ng kwarto niya. Ako naman ay sinisilip ang laman ng paper bag, sana ay magandang damit ang ibinigay nila saakin.

Ilang minuto ay nakarinig ako ng tumatawa, agad kong nilingon si Dion na nakasandal ang likod sa pintuan at saka nakasalikop ang braso sa isa't isa at nakatingin sa akin ng diretso.

" Bakit ka tumatawa diyan?" Masungit na sambit ko dito.

" Mom is right. You look so tiny with your clothes right now, and even your sleepers, what do you call that? Fur? Fur what?" Tumatawa niyang sambit habang tinitignan ang tsinelas ko. Kulay blue ito at panay balahibo na kulay asul din. Ang shorts ko naman ay kulay itim at ang damit ko at kulay puti.

Mukha ba akong maliit na bata?

" Nataranta ako sa tawag ni Tita kahapon, kaya hindi na ako nakapag palit ng maayos, at saka maling tsinelas ang nasuot ko." Sambit ko. Tumawa nanaman siya sa sinabi ko. Nilabas ko ang laman ng paper bag at inayos iyon sa gilid ng kama ni Dion.

" You look cute though, mukha kang twelve years old na batang spoiled brat-"

" Stop teasing me, love- i mean, Dion!" Binato ko sa kaniya ang paper bag na pinaglagyan ng damit kanina. Nasalo niya naman ito, nangunot naman ang noo niya sa sinabi ko. Nadulas ako!

Umalis siya sa pagkakasandal niya sa pintuan at saka siya lumapit saakin.

" What did you call me? Again? Alison?" Malamig na tono ng boses niya ang sumalubong saakin. Umiling naman ako at nagsimula akong maglakad paatras sa kaniya.

" Nothing, Dion. Let's eat-"

" I am sure, I heard something, baby. Gusto kong ulitin mo iyon para sa akin." Huling atras at saka ako bumagsak sa kama. Pumaibabaw naman sa akin si Dion. Tinignan ko naman ang pagkain na naka tray at nakalapag sa kama niya. Baka natapon ito, sayang naman.

Itinukod niya ang mga kamay niya sa bawat gilid ko.

" Dion, umalis ka na."

" No."

It's Never Been Us (Published under Wordsmith's Pub House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon