Genesis P.O.V
" You what? You like her?"
Tanong saakin ni Adrian habang nasa byahe kami pauwi. Kakatapos ng aming laro, at mabuti nalang nanalo kami, makakasama parin kami sa Regionals.
" Hindi ko din alam, Bro. What's her name again? Parang sila ata ni Dion e." Sambit ko kay Adrian. Napapailing naman si Adrian sa sinasabi ko. Sa kaniya na ako sumabay dahil magkalapit lang ang condo namin, bukas na ako uuwi ng bahay, alam kong nagpahanda nanaman si Mama, wala naman akong pakialam doon.
" Genesis, sila nga ni Dion. Ano namang pumasok sa isip mo at gusto mo siya? Paano si Levence?" Tanong niya saakin. Agad naman akong umiwas nang tingin sa kasama kong ito.
Tumikhim ako bago ako nagsalita ulit.
" Hindi ko naman siya balak agawin bro, kung iyan ang inaalala mo, gusto ko lang makipag kaibigan sa kaniya." Pagpapaliwanag ko dito, ngumisi naman siya saakin at parang hindi makapaniwala sa sinasabi ko sa kaniya.
" Hindi mo basta-basta maaagaw si Alison kay Dion, bantay sarado siya doon."
Well, let's see.
" Anak, nabalitaan kong may Regionals kayo? Baka kailangan mo pa ng extrang pera, dalhin mo na din ang kotse mo." Sambit ni Mama. Hindi naman talaga kami nagkakausap, ako lang pala ang hindi kumakausap sa kaniya.
Dahil sa kaniya, nawala ang Papa ko. Ang Ama kong sinusunod ko, at sinusuportahan ako sa mga gusto ko, at mahal na mahal ako, at mahal na mahal ko din. Kaya lang, dahil sa kaniya, nawala ang taong pinakamamahal ko. At simula noon, ayaw ko na siyang makausap o kahit na makasama man lang sa iisang bahay.
" Ipapaayos ko na ba ang mga gamit mo?-"
" Ma, matanda na ako, alam ko na ang dapat gawin!" Sigaw ko dito at putol sa sasabihin niya. Alam kong nasasaktan ang Ina ko sa inaasta ko sa kaniya, pero wala akong magawa, nasaktan din ako sa ginawa niya noon.
Kung sana hindi siya sumama sa ibang lalaki at nagpasundo sa ibang lalaki noong gabing iyon, hindi sana madidisgrasya ang Papa ko at mamamatay.
" Anak, I am just-"
" Bye."
" Bro, alam mo namang maraming pera iyan, kayang kaya niya ang sarili niya." Pang aasar saakin ni Joshua habang nasa Bar kami, iinom muna kami bago kami sasama at maghahanda para sa Regionals, hindi naman kami pine-pressure ni Coach Jeric kaya naman nag eenjoy parin kami at hindi inaalala ang Regionals.
Tumatawa ang mga kaibigan ko.
"Kaya pala hindi sumama si Dion, lumabas sila ng Girlfriend niya." Ani Adrian.
" Si Alison ba? Yung MVP lagi sa Volleyball Team ni Coach Jeric? Marami ngang gustong manakaw iyon kay Dion, kaya lang walang nakakagawa, kasi bantay sarado ang Boyfriend." Nagtawanan sila sa sinabi ni Nathan, isa pa sa kasama namin sa Basketball Team.
Uminom ako ng alak habang nakikinig sa usapan nila.
" Oo, magaling nga talaga iyon, kaya ayaw din pakawalan ni Dion, ilang taon na nga ba sila?"
" Maglilima daw, nabanggit niya saakin dati, kaya naman tingin ko, sila na talaga hanggang dulo." Sabi ni Alfred. Tumawa naman ako ng mahina.
She's pretty, talented and kind. Ilang ulit ko na ding narinig ang pangalan niya, sa mga kasamahan ko, sa mga manunuod sa laro namin, at kahit saan pa. Montalvo ang laging nadidinig ng tainga ko, kaya naman nakaka curious talaga ang pangalan niya at itsura niya. At mas lalo akong nagkaroon ng interes sa kaniya nang malaman kong makakasama namin siya sa Regionals ng ilang buwan.
BINABASA MO ANG
It's Never Been Us (Published under Wordsmith's Pub House)
RomanceAstraea Alison Montalvo and Isaiah Dion Chavez are both an Athlete. Wala silang inatupag kung hindi ang maging student-athlete sa kanilang paaralan. They are both pro with their sports, well infact, they are both MVP's in Volleyball and Basketball L...