" Breakfast in bed?"
Sambit ni Genesis ng magising ako kinaumagahan. Tinignan ko ang tray ng pagkain na hawak niya kanina pa habang hinihintay akong magising. Ni hindi pa ako nakakapag ayos. Ano kayang itsura kong matulog kanina habang nariyan siya at nakatayo?
" Hindi pa ako nakakapag ayos, bakit nakapasok ka?" Takang tanong ko, wala na din naman si Julia sa kwartong ito. Dalawa nalang kami.
Inilapag niya ang tray sa side table, at saka siya umupo sa may gilid ng kama kung saan nahihiga si Julia. Tinakpan ko naman ang mukha ko sa hiya.
" Hinayaan akong makapasok ni Julia. And she said, you cried last night." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Pati ba naman iyon ay sinabi niya kay Genesis? Baka mamaya ay iba ang nasa isip nitong lalaki na ito.
Tumayo ako at saka dumiretso sa banyo para makapaglinis ng sarili at makapag toothbrush na din, sayang naman kung hindi ko kakainin ang pagkain na dala niya.
" Salamat nga pala sa pagkain, sana doon nalang tayo kumain." Ngumisi naman siya. Kinuha ko ang pagkain at saka sinimulang kainin.
" May gumugulo ba sa isip mo? Bakit ka umiyak kagabi?" Napahinto ako sa sinabi niya. Sumandok ako ng ulam at saka kanin sa kutsara ko at saka iyon tinapat sa bibig ni Genesis. Kinain niya naman iyon kaagad. Tumawa ako sa ginawa niya, hindi naman siya nagbigay ng reaksiyon.
Iisang kutsara ang ginamit namin.
" Masarap ba?-"
" Iniiba mo ang usapan, Alison." Tumingin ako sa kaniya, dahan dahan kong binaba ang kutsara ko, mahinahon niya namang nginunguya ang pagkain na nasa bibig niya. Nagtaas siya ng kilay, kaya naman natauhan ako.
" Wala, masakit lang ang ngipin ko kagabi, nakakatakot naman ng lumabas at manghingi ng gamot sa clinic, kaya tiniis ko nalang muna." Palusot ko, nakahinga ako ng maluwag ng tumango siya at senyales na naiintindihan niya ang sinasabi ko.
Nakatingin lang siya saakin habang inuubos ang pagkain ko, hindi parin kami magpa practice, kaya manunuod nalang muna siguro kami o kaya naman ay lilibutin pa ang lugar na ito.
" You're so beautiful, damn." Dinig kong mura niya. Tinabi ko ang tray ng maubos ko na. Nakapajama parin ako at naka medyas pa. Hindi pa talaga ko nakakapag ayos.
Bakit kasi ang aga niya?
" Saan ba tayo ngayon pupunta?" Tumayo siya, sinusundan niya kung saan ako pupunta.
" I said, you're beautiful, Alison." Napalunok ako.
" Ano ba dapat ang sasabihin ko?" Sinubukan kong tumakas, pero hindi niya ako pinagbigyan. Nang makulong niya ako sa mga bisig niya katabi ng bintana at ng makapal na kurtina ay ngumiti nalang ako sa kaniya.
Nakatukod ang magkabila niyang kamay sa bawat sulok ng pader na nasa likod ko.
" You're beautiful-" Hinalikan ko ang pisngi niya ng mabilisan, at saka ako naghanap ng daraanan para makaalis sa kaniya. Nang makaalis ako ay saka ako dumiretso sa banyo para maligo at makapag handa na.
Habang nasa loob ng banyo ay hindi ko magawang pigilan ang pag ngiti. Umiling iling pa ako para pilitin ang sariling maligo na.
" I'll wait for you outside, love."
*
" Serve!"
Dinig kong sambit ng mga Coach ng makapasok kami sa Court kung saan nagpa practice ang mga ibang players. Magkakasama kaming lahat ng Yellow Team, mamaya ay aalis din lang kami.
" Ayon, kaya hindi nanalo e, panay paganda." Mahinang sambit ni Pia sabay turo sa isang babae na busy magayos ng mukha bago maglaro. Hindi nga ako naglalagay ng make up kapag maglalaro na e. Kasi magpapawis ka din lang at huhulas ang mukha mo, kaya useless.
BINABASA MO ANG
It's Never Been Us (Published under Wordsmith's Pub House)
Roman d'amourAstraea Alison Montalvo and Isaiah Dion Chavez are both an Athlete. Wala silang inatupag kung hindi ang maging student-athlete sa kanilang paaralan. They are both pro with their sports, well infact, they are both MVP's in Volleyball and Basketball L...