" Hello, kamusta ka?"
Tanong saakin ng isang babae. Lumapit siya saakin habang nagmemeeting kami sa malaking open field na narito. Nakaupo lang kami sa sahig, at saka mainit din ng kaunti.
Wala kasing bubong.
" Ayos naman ako, Volleyball player ka din?" Takang tanong ko dito. Ngumiti siya at saka tumango. Ngumiti din ako.
Nilibot ko ang aking paningin kung nasaan kami. Halos sakop namin ang kalahati ng field na ito. Ang iba ay nagtatakip ng panyo sa ulo dahil mainit nga naman. Wala akong pakialam sa init dahil sanay na ako.
" Oo, Volleyball din,nice to meet you, What's your name?" Hawak niya ang kamay ko, at saka niya iyon ni shake. Nakangiti siya habang ginagawa iyon.
" Astraea Alison Montalvo, ikaw?" Hinawi niya muna ang kaniyang buhok na mahaba at saka siya nagsalita.
" Celestine." Maikling tugon niya.
Nagpaalam siyang aalis muna dahil hinanap din siya ng mga kasama niya. Hinatak nanaman ni Julia ang kamay ko at saka niya ako niyakap sa braso.
" Nakikipag kaibigan ka? O siya?" Masungit na tanong nito. Tumawa ako sa sinabi niya.
" Siya. Nakipag kwentuhan lang ng sandali, bakit ka nakasimangot diyan?" Agad niyang binawi ang pagkaka simangot at saka ngumiti.
Lumapit kami kay Coach Jeric.
" Practice daw tayo ng ilang beses. Bawat net naman tayo, dito na tayo sa gilid." Tumango kami.
" Sir, paano yung mga basketball?" Tanong ni Pia. Tinignan ni Coach Jeric ang mga basketball player na ngayon ay nagtataka kung saan din sila magpa practice.
Nagkukumpulan sila sa isang sulok.
" Mamaya pa ata ang mga basketball, ang mga volleyball muna ata." Pinagsama sama namin ang mga water bottles na dala namin, at saka kami nagtali ng mga buhok namin.
Nakita kong nakangiti si Genesis saakin kaya naman ngumiti ako pabalik. Naka shorts naman na kami kaya hindi na namin kailangang mag palit. Nagbihis na talaga kami kanina kasi sabi ni Coach Jeric, baka mag practice kami dito.
" Dito nalang tayo, may isang team kayong makakasama, pero mga lalaki iyon." May mga lalaking volleyball player din kasi dito. Bawat net ganoon ang nakikita ko. Yung isang team, babae, at yung isa, lalaki.
" Sila ang makakalaro niyo muna. Practice palang ha? Wag kayo masyadong maghampasan ng bola, baka wala pa yung totoong laban, injured na kayo." Tumawa kami sa sinabi ni Coach. Nakipag kamay kami sa mga lalaking makaka practice namin.
Nakangiti ako habang nakikipag kamay sa kanila. Ang mga basketball player naman namin ay nananahimik sa gilid, manunuod sila.
" Okay, start na kayo?" Tanong ni Coach, habang katabi niya ang Coach ng kabilang grupo.
" Game!"
Sinimulang ipito ni Coach Jeric upang senyales na umpisa na kami.
Si Julia ang nag serve, agad naman iyong pumunta sa kabilang grupo, nasalo iyon ng isang lalaking maputi, hinampas niya ang bola kaya naman ako na ang sumalo, ng makuha ko ay agad ko itong ibinalik sa kabila kaya lang ay hindi nila natira pabalik kaya naman nagkaroon kami ng puntos.
" MVP, dahan dahan, wala pa tayo sa kalahati."
*
" Go Joshua!" Sigaw nila Julia ng ang mga basketball player na ang inaya nila para maglaro, nasa court na kami ngayon kung saan may bubong na ang lugar na ito. Kaya naman nakapag pahinga kami kanina.
BINABASA MO ANG
It's Never Been Us (Published under Wordsmith's Pub House)
RomanceAstraea Alison Montalvo and Isaiah Dion Chavez are both an Athlete. Wala silang inatupag kung hindi ang maging student-athlete sa kanilang paaralan. They are both pro with their sports, well infact, they are both MVP's in Volleyball and Basketball L...