43

32 10 0
                                    

" Akala ko ba magpapa gupit ka? Sasama ako."

Sambit ni Dion sa akin habang nasa daan kami papunta sa barber shop na lagi naming pinupuntahan noon kapag sabay kaming nagpapa gupit.

" Ikaw lang ang magpa gupit, Dion. Sinabi ko lang iyon para samahan mo ako." Pagdadabog ko sa sinabi niya. Ngumisi naman siya saakin at saka niya ako sinulyapan nang saglit.

" Magpapagupit lang ako kapag nagpa gupit ka din, Alison." Napa irap ako sa sinabi niya. Agad akong ngumuso doon.

Nang nakarating na kami ay nauna akong bumaba.

" Magpa gupit ka na, ayaw ko nga. Kakapagupit ko lang." Halos magmakaawa na ako sa harapan niya para siya nalang ang magpa gupit. Umiling naman siya at nang aasar akong tinignan.

Kinuha niya ang sling bag kong nakasabit sa aking balikat at saka niya iyon hinila, sumunod naman ako sa kaniya papasok sa barber shop na ito. Pagpasok namin ay umupo siya sa isa sa mga upuan, kilala naman na kami dito at alam na nila kung anong style ang pinapagupit ni Dion kaya naman hindi na nila kami tinatanong pa.

Nagtaka naman ako kung bakit hindi niya ako pinaupo sa isa pa. Baka payag siyang siya na lang ang magpapagupit.

" Hintayin mo ako diyan."

Tumango ako. Nakaupo lang ako sa isang mahabang upuan, at saka hinintay siyang matapos. Pagkatapos ng isang taon, ngayon nalang siya nakapag pagupit, at kung hindi ko pa siya napilit, hindi niya pa gagawin ito.

" Kayo parin pala hanggang ngayon, isang taon kaming naghintay na bumalik kayo dito, may goal ata kayong magpahaba ng buhok ng sabay ha." Pang aasar ng lalaking gumugupit kay Dion. Napalunok ako sa sinabi niya.

Walang kami.

" She told me that I have to cut my hair, so I did it." Umiwas ako nang tingin sa kaniya. Nagtama ang mata naming dalawa sa salamin kung saan nakaharap si Dion.

Tumawa naman at parang kinikilig pa ang lalaki.

" Naks, masunurin pala sa girlfriend ang isang Chavez."

Natapos na siyang gupitan, kaya naman nagbayad siya at saka tumayo na din ako para maghanda ng umalis, nagpaalam kami sa mga naroon at saka kami sabay na lumabas ng shop at huminto sa kotse niya.

" Ayan, edi kapag nakita ka ni Tita Emelia ay matutuwa siya dahil may pagbabago ka na." Nakangiti kong sambit sa kaniya. Inayos niya naman ang buhok niya bago siya tumango saakin. Sumakay kami sa kotse niya at saka sinimulan na niyang paandarin ito.

Baka didiretso kami sa Mama niya.

" Alison, noong gabing nagkita kita tayo ulit."

" Anong mayroon doon?" Takang tanong ko.

" Nakita kong magkasama at magkausap kayo ni Genesis. Kayo pa rin ba? Pinili mo ba siya kaysa sa akin?" Sambit niya. Lumingon ako sa kaniya, at saka umiling.

" Hindi. Nagkausap lang talaga kami. Hindi nga ako lumalapit sa kaniya masiyado pero kusa siyang nakikipag usap saakin." Paliwanag ko. Tumango naman siya. Diretso nga kami sa building nila. At hindi ko alam kung bakit.

Tiyak na matutuwa si Tita kapag nakita niyang may nagbago sa itsura ni Dion. Kaya naman excited din akong makita si Tita mamaya.

" I thought you are with him that night."

Binati kami ng mga tao noong papasok kami, kumatok naman siya sa pintuan ng opisina ng Mama niya bago kami tuluyang pumasok. Tumayo si Tita nang makita kaming magkasama.

It's Never Been Us (Published under Wordsmith's Pub House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon