" Salamat po, Kuya. Ingat po kayo pauwi."
Nagaalalang sambit ko sa driver nila nang makarating na siya dito sa bahay. Maingat nila siyang inilagay sa loob ng kotse at saka na nagpaalam ang Driver nila saakin.
" Aalis na po kami, Alison. Salamat."
" Ingat po kayo."
Napabuntong hininga ako nang makaalis na sila. Nandito parin ang kotse ni Dion, baka bukas ay kukunin nalang siguro dito iyan, wala namang kukuha dahil narito naman sa parking area namin.
Tinignan ko ng masama si Levence ng makapasok ako sa loob ng bahay at nakitang nakaupo siya at hinintay din ang aking pagpasok.
" Akala ko ba lasing ka na? Halos wala ka na ngang malay kanina, bakit buhay na buhay ka ngayon?" Sambit ko sa kaniya. Tumawa naman ito. Kanina ay mukhang lasing na lasing naman siya, pero ngayon naman ay nakakatayo at nakakatawa pa. Napahawak ako sa aking sentido, napakagaling umarte ng isang ito.
Nagtaas siya ng kilay bago ako umupo sa tabi niya.
" Hindi mo naitatanong, nagaartista din ako, Alison. Hindi mo ba alam iyon?" Napatunganga ako sa harapan niya habang sinasabi iyon. Tumatawa naman siya habang nakikita ang reaksiyon ng aking mukha sa nangyari.
Nahuli niya akong nakatingin kay Dion!
" Bakit ba kasi umarte ka ng ganoon? Wala akong kasama kanina na ilagay siya sa sofa, alam mo ba kung gaano siya kabigat?" Pagalit na sambit ko, ngumisi naman siya.
" Bakit kasi hindi mo nalang sabihin na mahal mo pa siya, Alison? Nakita ko kung paano ka mag alala sa kaniya, nakita ko kung gaano mo siya inalagaan habang hinihintay ang sundo niya." Seryosong sabi ni Levence saakin, napa iling naman ako sa sinabi niya at saka humarap dito.
Tinignan niya ako nang mataman sa aking mga mata.
" Lasing siya, kaya nag aalala ako, at saka ayaw kong makita siyang ganoon ni Mama lalo na ni Tita Emelia, baka ako ang pagalitan at magalit siya saakin, ayaw kong mangyari iyon." Sambit ko.
" Ano ba kasi ang dahilan kung bakit kayo naghiwalay? Hindi mo pa naikwento saakin, Alison."
Huminga ako nang malalim bago ako tumingin sa kaniya. Handa ko namang ikwento ang lahat sa kaniya.
" Nagkagusto ako kay Genesis, habang kami pa ni Dion."
" How's my health going, doc?"
Tanong ni Dion nang matapos tignan ang kaniyang kalagayan. Medyo sumasakit pa ang aking ulo dahil napuyat akong magkwento kay Levence kagabi, masyadong magulo ang pinagusapan namin, kaya naman nahirapan din siyang isiksik sa utak niya ang mga sinabi ko kagabi.
Nasa harapan na kami ng kaniyang Doktor, naghihintay nalang ng sasabihin at ang ibibigay na papel para sa resulta.
" Hindi parin bumaba ang drug intake mo? Nagpapatuloy ka parin ba sa paggamit, Dion? Hindi normal ang ibang pulse rate mo at organs mo, kapag nagtuloy tuloy ito ay baka matamaan pati ang utak mo." Napalunok ako sa sinabi ng Doktor nito. Agad akong tumingin kay Dion para tignan ang kaniyang reaksiyon, nakatingin lang din siya saakin.
" Paunti unti parin po akong gumagamit, pero kapag umaatake lang ang Anxiety at Depression ko, Dok." Nagtaas ako ng kilay sa sinabi niya at saka tumingin sa Doktor niya.
" Dok, gamot po ba ang drugs sa sakit na ganoon?" Nagtatakang tanong ko sa Doktor niya, tinignan naman nila akong dalawa, pero wala akong pakialam, gusto kong malaman ang bagay na iyon.
Hinarap ako ng kaniyang Doktor.
" Ang ibang tao, ginagamit ang iba't ibang droga para sa sakit na iyan. Pero hindi naman lahat, gumagamit ng ganiyan, naka depende sa tao." Tumango tango naman ako sa sinabi ng Doktor niya. Nagdilim ang paningin ko sa kaniya bago ako nag isip ng paraan para maiwasan na niya ang ganoong gawain.
BINABASA MO ANG
It's Never Been Us (Published under Wordsmith's Pub House)
RomanceAstraea Alison Montalvo and Isaiah Dion Chavez are both an Athlete. Wala silang inatupag kung hindi ang maging student-athlete sa kanilang paaralan. They are both pro with their sports, well infact, they are both MVP's in Volleyball and Basketball L...