" Iyong Amerikano na iyon, hindi ko nakuha ang numero!"
Sambit ni Julia nang makababa kami ng eroplano. Natuloy kami sa International para sa Volleyball. At sa pagkakataong ito, hindi nasa pangalawang pwesto lang kami, unang sabak palang naman namin iyon sa International Play Offs, kaya, tanggap naman namin ang nangyari sa laro.
Sagot naman lahat ng kailangan namin para sa laro, pati ang eroplano na sinakyan namin, binigyan din nila kami ng allowance, lahat kaming players, kaya walang naging problema.
" Hayaan mo na. Lagi ka naman talagang walang naiuuwing lalaki sa mga laro." Tawang sambit at pang aasar ni Pia kay Julia. Sa loob ng ilang minuto naming pag eensayo para doon sa International Game ay palagi niyang napupuntirya ang lalaking amerikano na iyon, kaya lang ay hindi siya nito pinapansin.
" Uuwi na ako, nariyan na din ang mga sundo natin, kita nalang tayo kung matutuloy iyong painom ni Coach Jeric." Sambit ni Krisha. Nakita ko na nga ang mga sasakyan ng mga kasamahan ko. Si Krisha ay naghanda nang umalis, dala niya ang maleta niya at saka ang iba pa niyang mga gamit.
Tinulungan ko siyang bitbitin iyon palapit sa sasakyan nila. Namataan kami kaagad ng mga magulang nito, kaya naman lumabas sila para tulungan kami sa gamit ni Krisha.
" Kanina pa kami doon, namukhaan kami ng guwardiya na magulang ninyo kami, kaya pinapasok kami dito." Pagsisimula ng Mama niyang magsalita. Yumuko naman ako ng kaunti at saka ngumiti bilang paggalang sa kaniya.
Ang ibang kasama ko naman ay nasa likuran lang at binati din ang mga magulang ni Krisha.
" Opo, kanina pa din po kami dito naghihintay ng sundo, baka nasa labas na din po sila." Pag sagot ko. Ang Papa na ni Krisha ang nag ayos ng gamit niya. Ang iba naman ay hawak niya parin.
Lumingon si Krisha sa amin, at saka kami niyakap, sumagot naman kami doong lahat.
" Uuwi na muna ako, magpahinga kayo ha? Basta sa group chat nalang tayo mag usap, baka matuloy ang labas natin nila Coach." Kumindat si Krisha sa amin. Tinapik ko na ang kaniyang balikat dahil aalis na sila.
" Ingat po kayo, Tita."
" Salamat, Anak."
Kumaway kami ng maka alis na sila. Ilang minuto kaming naglakad palabas ng Airport. Nakita na din nila isa-isa ang mga sundo nila.
Susunduin kasi ako ni Mama.
" Alison, alis na kami, bye!"
" Ingat!"
Naghintay lang ako dito sa isang upuan habang wala pa si Mama. Kanina ko pa siya hinihintay na tumawag, kaya lang ay baka nagmamaneho na iyon papunta dito, kaya hindi na muna ako tatawag. Alam niya naman na nakababa na ako ng eroplano. Noong wala parin si Mama ay nag order muna ako ng pagkain ko, at saka kumain muna. Kinuhanan ko din si Mama para may kainin siya sa kotse mamaya kapag pabalik na kami sa bahay namin.
" Anak?" Nanlaki ang mata ko at saka ako napatigil sa pagkain ng makita ko si Mama sa aking likuran, tumayo ako at saka niyakap si Mama.
" Ma! Kanina pa po kita hinihintay." Sambit ko. Inubos ko ang pagkain ko at saka na kami naglakad palabas ng Airport. Sumakay na din kami sa kotse namin. Inilapag ko naman ang mga gamit ko at pagkain ni Mama.
" Natagalan ako, Anak. May meeting pa kasi ako kanina, mabuti nalang at wala masyadong traffic ngayon." Ngumiti naman ako kay Mama.
" Ayos lang po, Ma. Atleast, nakarating kayo at nasundo ninyo ako."
Agad akong napahinga ng malalim nang makarating kami sa bahay. Namiss ko ang amoy ng bahay namin, lalo na kapag sasalubungin ka ng amoy ng niluluto ni Mama. Pero kasama ko naman siya.
BINABASA MO ANG
It's Never Been Us (Published under Wordsmith's Pub House)
RomanceAstraea Alison Montalvo and Isaiah Dion Chavez are both an Athlete. Wala silang inatupag kung hindi ang maging student-athlete sa kanilang paaralan. They are both pro with their sports, well infact, they are both MVP's in Volleyball and Basketball L...