27

45 20 0
                                    

" Tumabi kayo saaking dalawa, sa ibang hapag nalang sila."


Tumango ako, kinuhanan ko ng long table ang mga kasamahan ko, bago ako umupo sa lamesang para saamin lang nila Genesis at Tita Harriet.


" Ano pala ang trabaho ng mga magulang mo, Iha?" Tanong ni Tita saakin habang naghihintay kami ng waitress. Ngumiti muna ako at saka sumagot.


" May bussiness po si Mama, hindi man po gaanong kalago katulad sa inyo, pero malaki din naman po ang kita namin." Sambit ko, ngumiti naman siya. Dumating ang waitress, siya nalang ang kumuha, marami ata ang inorder ni Tita para saamin dahil andami niyang itinuro sa menu na hawak niya.


" Are you okay?" Nilingon ko si Genesis, ngumiti naman ako at saka nag thumbs up, ngumiti naman siya pabalik.


" Ang Papa mo pala, Iha? Nasaan?" Napalunok ako sa sinabing iyon ni Tita Harriet.


" Sa ibang bansa po siya nagta trabaho, Tita." Sambit ko. Tumango ulit siya. Si Genesis naman ay tinitignan lang kaming dalawa na naguusap.

Tumingin si Tita Harriet kay Genesis.


" Anak, tumawag pala saakin si Levence, aalis na daw siya at doon na maninirahan sa ibang bansa, hindi niya ba nabanggit sayo?" Pumait ang timpla ng aking mukha ng marinig iyon, hindi naman na sila naguusap kaya bakit sasabihin sa kaniya ni Levence?


Tumikhim si Genesis at saka siya lumingon saakin.

" Hindi na kami nag uusap, Ma. Alam mo namang hindi ko gusto si Levence, hindi ba?" Sambit ni Genesis. Agad na tumikhim si Tita Harriet.

" I know, Son. Kahit sa huling pagkakataon nalang ay kausapin mo siya, matagal din kayong nagkasama niyon, hindi ba?"


" Ma, Alison is here, huwag nating pagusapan ang walang kwentang-" Hinawakan ko ang kamay ni Genesis sa sinabi niya sa Mama niya.


" Ayos lang po, nabanggit din po saakin iyan ni Levence, sasabihin ko nga din po sana kay Genesis na magpaalam muna kay Levence bago man lang makaalis." Dumating ang pagkain namin, marami rami nga, kaya pala malaking lamesa ang kinuha ni Tita Harriet. Tinulungan ko ang waitress na iayos ang mga pagkain namin, nakatingin lang saakin si Genesis at Tita Harriet.

Nang matapos ay yumuko ako sa waitress para magpasalamat, ngumiti naman ito saakin.

" Iha, you know, I really like your personality. Hindi katulad ni Levence, I mean, sa pagkaka describe ni Genesis sa inyong dalawa ni Levence, napaka layo nga talaga ng diperensiya ninyo sa isat isa." Nagtaas ako ng kilay sa sinabi ni Tita.

Kinukwento ako ni Genesis sa Mama niya, noon palang? Kailan pa? Anong mga kinukwento niya?


" Tita, magkaiba po talaga ang ugali namin ni Levence, mas maganda at matalino po siya saakin, kaya nga po aalis siya para pag aralan ang mga kailangan pa sa Bussiness nila." Nahihiyang sambit ko kay Tita. Umiling naman siya bago sumubo, hinintay kong makainom siya ng tubig bago siya nagsalitang muli.

" Hindi nakukuha iyan sa pisikal na katangian, Iha. Kakaiba ang paguugali mo sa ibang babaeng nakilala ko. Hindi ka mahirap pakisamahan at napakabait mong bata." Ngumiti naman ako sa sinabi ni Tita. Nag init ang pisngi ko sa mga puri niya.

" Salamat po kung ganoon, Tita. Iyong jacket po pala na ibinigay ninyo, alam ko pong napaka mahal niyon, kaya ibabalik ko nalang po kapag naayos ko na." Pagpapaaalala ko, nakita ko kasi noong isang araw ang tag ng jacket. Napakamahal niyon dahil sa brand ng damit.


It's Never Been Us (Published under Wordsmith's Pub House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon