25

48 22 0
                                    

" Salamat, Alison, buti nalang napabalik mo si Genesis."

Ngumiti nalang ako at saka yumuko ng kaunti kay Coach Jeric. Tumango naman si Genesis sa mga kasamahan niya, tinapik naman nila si Genesis pabalik.

" Ang hirap pabalikin Coach, pinasugod pa si Alison sa ulan." Natatawang sambit ni Joshua, tinignan naman nila akong lahat, ngumiti ako sa kanila. Nagsalubong ang mata namin ni Genesis, ngumiti siya, nahawa naman ako.

Umubo ako para hindi halata.

" Mabuti nalang at hindi ka nagkasakit, Alison, magpahinga na muna kayo, mamaya may laro kayo." Nagpaalam na ang iba, tumayo na din ako, nagpaalam ako kay Coach na aalis na, tumango naman ito.

Naglalakad na ako pabalik ng hatakin ni Genesis ang aking kamay, napalingon ako sa kaniya.

" Manunuod ka ba mamaya?" Sambit niya saakin, nag isip pa ako ng ilang segundo bago tumango.

" Sige, manunuod ako."

*

" Go, La Traviata! Go!"

Magkakasama kami nila Genesis na pumasok ng court, sigawan ang sumalubong saamin ng makita nilang papasok si Genesis na katabi ko, naka headband pa siya na kulay  dilaw. Dilaw din naman kasi ang kulay ng team nila, katulad saamin.

" Genesis, na miss ka ata ng mga supporters mo!" Sigaw ni Julia kay Genesis, tinulak pa niya ito, bahagya akong natamaan ng braso ni Genesis kaya naman lumingon ito saakin, tumango lang ako para sabihing ayos ako.

Pumwesto kami sa upuan kung nasaan si Coach Jeric, kapag nauuna siya ay lagi niya kaming binibigyan ng mauupuan, nagsuot din pala kami ng mga headbands namin, lahat kaming Volleyball at Basketball, para pare pareho kaming naka ganito.

" Naroon na ang mga kalaban ninyo, hindi na daw muna magpapalabas si Head ng mga players kapag may nanalo, pero talunin niyo parin." Tumango sila. Iniabot ng mga kasamahan nila ang kani kanilang mga gamit saamin, kinuha naman namin iyon at saka namin inilagay sa sahig, babantayan namin.

" Alison-"

" Hmm?"

Nanlaki ang mata ko ng inilapit niya ang kaniyang labi sa aking pisngi, at saka niya ako hinalikan doon, agad bumilis ang tibok ng aking puso at saka namula ang aking mga pisngi.

Nanatili akong kalmado, bakit nakakaramdam ako nito? May gusto ba ako kay Genesis?

" Goodluck." Utal kong sambit sa kaniya. Ngumisi naman siya at saka nag ayos ng kaniyang headband bago pumunta sa gitna ng court at mag warm up.

Tinitignan ko palang siya sa malayuan ay bumibilis na ang tibok ng aking puso, paano nalang kaya kapag ganoon na kalapit katulad kanina.

" We are about to start the game." Anunsiyo ng MC ng laro nila. Umayos ako ng aking sarili, at saka inibot ang paningin sa kabuuan ng court.

Bukas lahat ng ilaw na mayroon dito, kaya naman napaka liwanag, kaunti ang nanunuod dahil panay din naman kami players sa ibat ibang team, pero ang sigawan, parang napakaraming tao ang naririto. May mga ibang babae din na naka headband ng ibang kulay at saka nanunuod sa mga kasamahan nilang Basketball players.

Nang magumpisa ang laro ay agad na nakapuntos sila Genesis, tuwang tuwa naman si Coach Jeric ng makitang maganda ang kalalabasan ng laro nila ngayon.

" Lagrada for 3!" Pumalakpak ako ng makapuntos siya. Tumingin naman sila saamin, sila Julia ay hindi din magkamayaw ang mga sigaw.

Si Pia naman ay todo ang kuha ng litrato ni Joshua, nagkakamabutihan na nga pala ang dalawang ito, minsan, magkasama sila palagi, kaya wala si Pia saamin.

It's Never Been Us (Published under Wordsmith's Pub House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon