48

33 8 0
                                    

" Bakit naman kasi ayaw mong makisama?"

Pagalit na tanong saakin ni Levence. Tinignan ko siya nang nakakunot ang noo. Agad na nilingon ni Levence si Dion at Genesis na nasa gilid naming dalawa, hindi ko alam kung saan ako sasakay.

" Anong makisama? Saan? Alam kong may plano ka, Levence. At hindi ko nagugustuhan iyon, kaya kung ayaw mo akong kasama na umuwi, magtataxi nalang ako." Paliwanag ko dito. Bumusangot naman si Levence sa aking harapan. Hindi ko siya tinignan. Alam kong plano ito, pinaglalapit niya kaming tatlo at binibigyan ng closure, para saan? Para mapagusapan ang matagal ng nangyari na iyon?

Kumukulo ang dugo ko.

" Alison, hindi naman ito plano, gusto ko lang talaga na mapagusapan natin ang tungkol sa outing at saka nag usap kami ni Genesis na siya na ang maghahatid saakin sa bahay ninyo." Bumuntong hininga ako sa sinabi niya at saka hinawakan nang maayos ang aking bag.

Tinignan ako ni Dion.

" Kay Genesis ka na sumakay, magta taxi nalang ako-"

" You are with me before we get here. I should drive you home." Pagputol ni Dion sa aking sinabi. Napadabog nalang ang aking paa sa sahig.

Ano ba?

" Okay, sige sige. Ang gulo kasi e. Sasakay ako sa kotse ni Dion, ikaw kay Genesis, kita tayo sa bahay, tapos."  Iniwan ko sila sa labas at saka na ako kusang sumakay sa kotse ni Dion, tinanggalan niya ng alarm dahil sa nangyari kanina.

Binato ko ang aking bag sa aking gilid. At hinintay na sumakay na din si Dion.

" What's the matter? Why are you like  this?" Sambit niya habang pinapaandar ang sasakyan.

Sumandal ako sa upuan ko at saka binuksan ang bintana ng kotse niya para makalanghap ako ng sariwang hangin.

" Wala, pakiramdam ko kasi may pina plano si Levence." Sambit ko.

" Plano? Para saan? Para kanino?" Sambit niya.

Inilabas ko ang aking kamay at dinama ang hangin.

" Sa ating tatlo, nai kwento ko sa kaniya ang nangyari 1 year ago, at alam kong binibigyan niya tayo ng closure para makapag usap." Nahihiyang sambit ko. Tumango naman siya. Sinara ko na din ang bintana dahil mausok at mainit.

" Sasama ka parin ba? It's actually a nice plan, Alison. Kahit ako, gusto kong malinaw ang lahat."

Napakusilap ako sa sinabi ni Dion. Bakit ba kasi kailangan magkakasama pa kaming apat? Ano namang iniisip ni Levence? Mahirap ito para saakin. Alam kong ganoon din naman kay Dion at Genesis, kung ilang araw pa kaming nandoon sa pupuntahan namin.

" Kung gusto niyo, kayong tatlo nalang nila Levence. Ayaw ko." Bumusangot ako.

Ngumisi si Dion.

" That's what I am talking about, Alison. Iyan ang issue sa iyo. Inaako mo ang lahat lahat, hindi ba sinabi ko na hindi lang ikaw ang-"

" Oo na, alam kong may mali tayong lahat noon, pero alam ko din sa sarili ko na ako ang nagsimula ng gulo, edi parang ako din lang ang may pinaka may kasalanan sa ating tatlo." Hinarap niya ako. Umiwas naman ako nang tingin sa kaniya. Sinuklay niya ang kaniyang buhok upang maayos ito.

Hahawakan niya sana ang aking kamay kaya lang ay hindi ko siya hinayaang gawin niya iyon.

" Alison, just trust me. Kapag naayos nating tatlo ito, mas gagaaan ang pakiramdam mo, nating tatlo, so please, just relax, Alison. I got you." Napakurap-kurap ako bago namula ang aking pisngi sa sinabi ni Dion.

It's Never Been Us (Published under Wordsmith's Pub House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon