" Okay, for today, meeting palang daw muna sabi ni Head."
Pagpapaliwanag ni Coach Jeric. Nakaupo kaming lahat ng mga players dito sa mga upuan na nasa court. Naka assemble na din ang mic na gagamitin ng Head mamaya.
" Nariyan na si Head, makinig kayong mabuti."
Bumati kami sa Head nang maiayos niya na ang mic na gagamitin niya. Nakatayo siya sa harapan naming lahat, habang tinitignan kami isa isa, ang mga Coaches naman ng ibang teams ay natayo sa likod ni Head.
" Players, dahil tag ulan ngayon, ginawa naming by schedule ang pagpa practice ninyo dahil maliit lang ang court na ito para sa inyong lahat. Iyong mga lagi namang nakaka score sa mga practice, lalo na ang players ng Yellow Team, hindi muna sila maglalaro sa loob ng ilang araw, napagusapan na din naman namin na ang mga mahihina sa trainings muna ang bibigyan ng aksiyon bago ang Regionals, ayos ba iyon?" Sambit ni Head saakin. Tumango naman kami.
Maging ang ibang players ay magalang din na sumagot sa Head namin.
Magkakatabi kaming Yellow Team, nasa likod namin ang mga Basketball Players namin.
" Okay, iyong Yellow Team na handle ni Coach Jeric, ay hindi muna makakasama sa practice, nabalitaan ko din pala ang nangyari kahapon doon sa ginawa naming pagpapaturo sa kanila." Agad na nagiba ang tono ng boses niya. Nakarinig naman ako ng mga bulungan sa paligid. Naka shorts parin naman kami at naka uniporme, kaya kita sa tuhod ko na naka band aid parin ako.
" Nga pala, huwag niyong iisipin na may favoritism kami dahil hindi na namin pinaglalaro ang Yellow Team madalas. Nalaman ko sa Coach nila na masyado silang advance kapag mga practice, kaya mas marami silang alam na movements kaysa sa inyo."
" Excuse me po, Head. Pati po ba ang Team nila Azrafel, hindi po muna makakasama sa laro?" Tanong ng isang babaeng galing sa Green Team, kulay green kasi ang headband niya.
" Oo nga pala, iyong Basketball Team na La Scala, hindi muna sasama, pero iyong Volleyball Team nila, kasama parin sa practice bukas."
" And also, mga Basketball Team ng Yellow at Blue Team, and sa Volleyball Team ng Yellow Team, you can now exit, sasabihan nalang kayo ng Coach niyo kung kailan kayo ulit sasama sa practice natin, okay?" Sambit ni Head. Kinuha namin ang mga gamit namin at saka kami nagpaalam kina Coach at Head. Hinanap ako ng aming Head kaya naman lumapit ako dito.
" Ayos ka na ba, Alison? Sadyang ganoon ang ugali ng mga Del Mundo, ayaw maungusan." Tumawa naman ng mahina ang aming Head. His name is Alfred.
" Ayos naman po ako Sir Alfred. Huwag nalang po nating pansinin, baka po mainit talaga ang mata niyon saakin."
" Sige, Alison, rest well." Gulat akong napahawak sa kamay na nasa beywang ko, nilingon ko ito at nakita kong si Genesis nga.
Ngumiti ako ng makita siya.
" Let's go?"
*
" Levence, doon ka ba talaga titira?"
Malungkot kong sambit. Pinaalam ako ni Tita Harriet sa mga Coaches at kay Sir Alfred para makita kong makaalis si Levence.
" Alison, wala naman na akong ibang mapupuntahan dito, wala naman dito ang parents ko, sa ibang bansa na din sila. Besides, wala naman na akong mapupuntahan pa dito, nasa practice ka naman palagi." Paliwanag niya. May ibinigay nga pala siya saaking ilang paper bags, regalo niya daw bago siya aalis, baka daw kasi hindi na siya makakabalik pa.
Ngumiti naman ako sa kaniya nang may malungkot na mukha. Kahit naman kaunting panahon lang kaming nagkita at nagkasama ni Levence, tinuring ko na din siyang kaibigan. Sabi ng iba na masama daw ang ugali, siguro hindi pa nila nakakasalamuha si Levence kaya ganoon nila idescribe. Makapal kasi ang kilay niya, mahaba ang pilik mata, maganda ang labi, literal na maganda, kaya mukhang mataray kapag makakasalubong mo.
BINABASA MO ANG
It's Never Been Us (Published under Wordsmith's Pub House)
RomanceAstraea Alison Montalvo and Isaiah Dion Chavez are both an Athlete. Wala silang inatupag kung hindi ang maging student-athlete sa kanilang paaralan. They are both pro with their sports, well infact, they are both MVP's in Volleyball and Basketball L...