26

39 22 0
                                    

" What's the matter, love? Bakit biglaan?"

Tanong niya saakin, ngumiti lang ako at saka siya niyakap, namiss ko ang pabango niya sa damit niya. Hinalikan ko din ang pisngi niya.

" Namiss lang kita, hindi naman na tayo nagkakausap minsan." Bumusangot ako sa harapan niya. Ngumisi naman siya at saka pinisil ang aking pisngi.

Hindi naman na kami kumain pa, magkikita lang talaga kami ngayon, para narin makita ko kung ano nga ba ang tinutukoy ni Julia saakin kagabi.

" You know, I'm really busy at work, love. Hindi pwedeng hindi ko tatapusin iyong mga iyon." Paliwanag niya. Agad ko naman siyang niyakap, tumawa naman siya ng mahina sa ginawa ko.

Tumingin ako sa kaniya ng mataman.

Dion, mahal pa nga ba kita? Bakit parang wala akong maramdaman? Nasaan na sila?

" Miss na miss na kita, Dion, matagal pa bago ka matapos." Sambit ko. Hinalikan niya ang aking noo.

Aalis din lang siya kaagad, may meeting daw siya kasama ang iba pang Bussiness Man para sa bago daw nilang project na dapat ang Mama niya ang gagawa, kaya lang ay nagkaroon nga ng problema sa iba pa nilang kompanya.

" Kainin mo lahat ng pasalubong ko sayo, panay paborito mong pagkain iyan." Tinignan ko ang dalawang paper bag na malalaki na hawak ko na ngayon, nasa parking lot lang siya kung nasaan kami nagpa practice, lumabas lang siya ng kaunti sa sasakyan niya, aalis din lang agad.

Nilalayo ako ng trabaho mo sayo, Dion. Pwede bang tumigil ka nalang muna sa ginagawa mo? At umalis tayo, kung saan tayong dalawa lang? Para maibalik natin ang kuryente sa isat isa. Natatakot ako, Dion.

Takot na takot ako, ngayon pa lang.

" Kaya nga bro, wala naman pala silang palag." Nanlaki ang mata ko ng namataan ng mata ko si Genesis na palapit din sa sasakyan niya. Hindi naman lumingon si Dion, hindi naman ata niya nakita. Nagtama ang mata naming dalawa. Huminto siya sa  paglalakad at pinanuod kaming dalawa ni Dion.

Tumingin si Dion sa kaniyang relo, at saka nag ayos ng sarili, pinatunog niya na din ang kotse niya.

" Magsisimula na ang meeting ko after 30 minutes, aalis na ako, Alison." Hinigit niya ang aking beywang, nabitawan ko pa ang isang paper bag sa gulat, kita ko ang igting ng panga ni Genesis ng makita niya kaming ganito si Dion.

Napalunok ako.

" Teka-" Kumirot ang puso ko ng inilihis ko ang aking labi ng hahalikan na ni Dion ang akin. Hinawakan ko ang magkabila niyang balikat at tumingkayad ako para maabot ko siya.

" Ingat ka, Dion, mahal na mahal kita." Halos hindi ko masambit ang mga salitang iyon habang nakatingin saakin si Genesis. Napaka talim ng titig niya, na kahit anong oras ay baka sugurin niya ako dito at ilayo kay Dion.

" I love you more than my life, Alison, I'm going, I love you."

*

" Alison, kausapin  mo muna ako!"

Sigaw ni Genesis sa labas ng kwarto namin ni Julia, wala naman si Julia dito, baka kumakain sila. Ibinato ko ang mga pagkain na dala ni Dion sa higaan namin ni Julia. Isinandal ko ang aking sarili sa likod ng pintuan.

Bakit ko ginawa iyon? Bakit hindi ko na siya magawang halikan? Bakit parang kaya ko ng wala siya? Bakit ako ganito? Bakit ko ginagawa ito? Bakit ba ito nangyayari? Bakit pa dumating si Genesis? Bakit ba nahihirapan ako? Sino sa kanila? Nawawala na ba talaga ang pagmamahal ko kay Dion? Dahil kay Genesis?

It's Never Been Us (Published under Wordsmith's Pub House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon