34

32 13 0
                                    

" Hindi ko alam kung nasaan siya, baka kumain mag isa doon?"

Nanlaki ang mata ko nang makita kong kausap nila Pia at Julia si Dion. Naka office attire pa ito at saka hawak ang telepono niya.

" Ganoon ba? Bakit hindi niyo siya namalayan na lumabas?" Takang tanong niya. Nilingon ko si Genesis na nakatingin sa akin.

" Genesis, mauuna na ako, kita tayo mamaya, okay?"

" Sure. See you."

Agad na niyakap ko si Dion mula sa kaniyang likuran at saka ako ngumiti ng maluwag dito. Lumingon naman siya kaagad sa akin.

" Love? Where have you been? Kanina pa ako naghihintay sa iyo dito." Sambit niya. Nilakihan ako ng mata ni Julia, hinatak niya naman paalis sina Pia para makapag usap kami ng maayos.

Hinawakan niya ang kamay ko, at saka hinila niya ako doon malapit sa may puno.

" Yeah, galing ako doon sa may dining hall namin kasama ng ibang mga players, nauna ako sa kanila dahil nagugutom na talaga ako." Kunwari ay hinawakan ko ang aking tiyan, tumawa at ngumisi naman siya dahil sa ginawa ko.

Kumain pa kasi ako kasama si Genesis doon sa kwarto niya. Kaya natagalan kami.

" It's fine. You're worth the wait, love. Naroon na sa kwarto niyo ni Julia ang mga dala ko para sa iyo. Marami iyon. Babalik na kaagad ako sa opisina, patapos na ako sa ginagawa ko at pabalik na din sila Mama." Ngumiti ako sa sinabi niya. Niyakap niya ako at saka hinawakan ang mga kamay ko.

Kumalas naman ako kaagad.

" Thank you for visiting, Dion. You should go, I think. Baka mamaya ay mahuli ka." Sambit ko.

" I'm going, love, tawagan mo ako kapag natapos na ang practice niyo okay?" Sambit niya. Tumango naman ako at saka ngumiti ng mapait. Hinigit niya ang beywang ko at saka niya hinalikan ang aking noo. Nang hahalikan niya ako sa labi ko ay agad akong umiwas at ako na mismo ang humalik sa kaniya, sa pisngi nga lang.

" Yeah. See you." Umalis na siya. Kumakaway naman ako habang paalis siya sa harapan ko. Nang mawala na siya sa paningin ko ay saka na ako dumiretso sa kwarto namin ni Julia para magbihis dahil mag uumpisa na ang practice namin.

Naligo ako nang mabilisan. At saka ako nagbihis ng aming uniporme, sinuot ko din ang headband ng aming team na kulay Yellow. At saka ako nagsapatos.

" 1 point for Yellow Team." Sambit ng MC ng laro. Nag yell kami at saka nagyakapan, bago kami ulit bumalik sa aming mga pwesto. Pagtapos niyon ay kami ulit ang nagserve.

Si Julia ang nag serve.

" 1 point for Green Team."

" Montalvo, 1 point for Yellow Team."  Natagpuan ng mata ko ang mata ni Genesis. Nakasuot din siya ng headband na kulay Yellow. Ngumiti ako sa kaniya. Ngumisi naman siya bago siya umiwas nang tingin saakin.

" Mayabang itong mga ito." Dinig naming sambit ng mga kalaban namin sa kabilang net, nagtaas ako ng kilay sa sinabi nila. Nagkatinginan din kami ng mga kasamahan ko.

Umiling nalang muna kami at hindi na pinansin pa.


" Julia, isampal mo, para hindi sila maka puntos!" Napakagat ako sa aking labi ng marinig kong umaalma si Samantha. Umiiling nalang ako, baka mamaya ay away ang maganap dito.

Nang maitira nga ni Julia ang bola sa kabila ay hindi nila natira.


" Sir! Hindi pa naman kami handa!" Alam ng isa.

It's Never Been Us (Published under Wordsmith's Pub House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon