20

43 23 0
                                    

" Clean her wounds."

Paguutos ni Genesis sa doctor na narito sa aking harapan, kung makapag utos ay akala mo kung sino.


" Saan ka ba siya nasugat ng ganito, Genesis?" Tanong ng doctor, bakit parang magkakilala sila? Ni walang formality ang paguusap nilang dalawa.

Nagtataka akong tumingin sa kanilang dalawa.


" Just shut it, Gio, gamutin mo nalang." Nanlaki ang mata ko sa narinig, Gio? Iyong pinsan niya ba ito?

" He's my cousin, you know who is he, right?" Malumanay na tanong saakin ni Genesis, dahan dahan akong tumango, nakaupo ako sa hospital bed at nakaupo naman sa bandang paanan ko ang doktor na si Gio, pinsan niya.

Nakapamulsa si Genesis na nakatingin saakin, si Gio naman ay abala sa paglilinis ng aking sugat, hindi naman masakit at natigil na din ang pagdudugo kaya naman kumportable ako.

" Kanina pa tumatawag saakin ang mga kasamahan mo, pati sila Coach Jeric, hindi nila mahanap ang ospital na ito." Mahina siyang tumawa sa sinabi niya. Pinagtaasan ko naman siya ng kilay, ang bag ko kung nasaan ang telepono ko ay naiwan doon sa mga kasama ko, kaya hindi nila ako matatawagan.


" Baka nagaalala na sila, hindi mo naman dapat ako dinala pa sa ospital." Sambit ko dito, tumingin saakin ang doktor, napalunok ako, natapos na niyang gamutin at saka siya tumayo, tinignan niya si Genesis.

" Is he your new girlfriend?" Tanong ni Gio, umiling iling naman ako kahit naman hindi ako nakikita ni Gio.

" No comment, let's go." Binuhat na ako ni Genesis at saka nagpaalam na kay Gio, tumango lang si Gio at saka siya ngumiti saakin.


" Salamat, uh, Doc Gio." Ngumisi ito at saka tumingin kay Genesis.


" Welcome, Ms. Montalvo."

Sinakay ako ni Genesis sa kaniyang kotse, si Levence nga pala, hindi ko alam kung nasaan na, baka kung ano na din ang iniisip ng mga nakarinig kanina doon sa sinabi ni Genesis.

" Sundan mo nga pala si Levence, bakit kasi sinabi mo iyon? Mas lalong marami ang nakaalam na hindi naman pala talaga kayo." Sambit ko, nakatingin lang ako sa bintana, ang mga nakapaa lang ako, yung isa ay may benda.

Napabuntong hininga siya, kaya naman napalingon ako.

" Gusto kang hawakan noong Azrafel na iyon, sa tingin mo papayag ako?" Sambit niya, umiling ako, tinawagan kaya nila si Dion? Baka mamaya ay naroon iyon sa kwarto namin ni Julia at madatnan niya akong hawak ni Genesis.

" Gusto niya lang namang tumulong, at saka kapag ganoon na naroon si Levence, kahit huwag mo na akong alalahanin." Umiling siya.


" Magpahinga ka, huwag mo akong tuturuan."


*

" Alam niyo namang MVP iyan, bakit hinayaan niyong masugatan nanaman."


Pagalit na sambit ni Coach Jeric ng makauwi kaming dalawa ni Genesis.

" Sir, hindi ko naman po alam na marami palang basag na bubog doon-"


" Coach Jeric, kasalanan ko din naman po, hindi ako naka tsinelas ng mga oras na yon." Paliwanag ko, narito kami sa maliit na bakuran at nagsindi ng bonfire, nakaupo kaming lahat sa nilatag na kumot nila Julia, para makapag meeting kami.


" Alison, beach iyon, malamang ay talagang magpapaa ka, dahil sa buhanginan, hindi talaga kayo nagiingat." Yumuko ako sa sinabing iyon ni Coach Jeric, tumayo si Genesis at saka tinignan si Coach.

It's Never Been Us (Published under Wordsmith's Pub House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon