" Sawa? Paano? Kailan? Bakit?"
Sunod sunod na tanong niya. Nasa labas lang kami ng court. Dinig ko mula dito sa labas ang hiyawan ng mga tao, at ang apelyido ni Genesis. Umaalingawngaw ang pangalan niya sa loob.
" Dion, hindi ko din alam. Nahanap ko yung saya na hindi ko mahanap sayo, nahanap ko kay Genesis. Dion, I'm sorry." Sunod sunod na pumatak ang aking luha. Yumuko nalang ako.
Wala akong magagawa, kailangan kong tanggapin ang lahat ng sasabihin saakin ni Dion, kasi all this time. Kasalanan ko naman talaga e.
" Saya? Bakit? Kulang pa ba iyong sa akin? Kulang pa yung saya na pinaramdam ko sa iyo sa loob ng limang taon? Kung kulang pa, sana sinabi mo saakin, hindi iyong hinanap mo sa ibang lalaki." Mahinahon ngunit may diin na sambit niya sa akin. Hahawakan ko sana ang balikat niya ngunit agad niya itong iniwas.
" Hindi, hindi sa ganoon, Dion. Noong wala ka, siya ang nagpasaya sa akin, iningatan niya ako, nakaramdam ako ng kalayaan, Dion. Bigla akong nakaramdam ng kung ano, at isang araw, nawala nalang ang pagmamahal ko sa iyo." Mahabang litanya ko. Narinig ko ang mahina niyang tawa. Agad akong lumingon para tignan siya, nakangisi lang siya sa akin at saka nakataas ang mga kilay nito.
" Niloloko mo ako, umuwi na tayo, Mahal. Iuuwi na kita-"
" Dion, tama na! Hindi mo ba ako naiintindihan? Ayaw ko na. Mas masaya na ako kay Genesis ngayon, hindi na sa iyo, wala na." Malakas na hikbi ang binitawan ko. Hawak na niya ang aking kamay para umalis. Alam kong nasasaktan na siya. Kaya lang ay mas pinipili niyang umiwas sa usapan dahil ayaw niyang marinig pa ang mga nais kong sabihin.
Hinawakan niya ang magkabila kong balikat at saka sinalubong ang mga mata ko.
" Alison, kailan pa? Kailan mo pa nalaman sa sarili mo na mahal mo si Genesis? Kailan mo nalaman na nahuhulog ka na? Sana noong nararamdaman mo iyan ng paunti unti sa kaniya, sinabi mo saakin, para maiiwasan natin. Para matulungan kitang maiwasan siya. Pero anong ginawa mo? Tinulungan mo ang sarili mong mas lalong mahulog sa kaniya kahit na alam mong masasaktan ako? Kahit na alam mong may masasaktan ka!" Sigaw niya sa harapan ko. Bumuhos ang aking luha. Hindi ko kayang salubungin ang mata niya. Nanlilisik sa galit at nag iigting ang panga niya. Nakakuyom din ang kaniyang kamao at saka diretso lamang ang tingin niya sa akin, kahit na nakayuko ako.
" Hindi ko nagawa. Kasi alam mo kung bakit? Hindi kita magawang maistorbo sa trabaho mo. Naiintindihan kong may responsibilidad ka, Dion. Pero sana naman kahit kaunting oras. Na saakin ka. Kasama kita. Noong mga oras na nagpapakapagod ka sa trabaho na iyan, tinulungan ako ni Genesis. Nasa tabi ko siya palagi, at iyong sinabi saakin ng mga kaibigan ko na nasakal ako sa iyo, Dion, narealize ko iyon noong kasama ko si Genesis. Bakit pakiramdam ko mas malaya ako kapag kasama ko siya? Bakit pakiramdam ko mas masaya ako kapag kasama ko siya? Bakit kapag sayo, hindi na? Anong problema?" Sinuntok ko ang kaniyang dibdib. Kalaunan ay agad akong kumalas at saka lumayo ng distansiya sa kaniya.
" Una palang, dapat alam mong may karelasyon ka. Nandito pa ako, Alison. Narito pa ako, pero bakit parang hindi mo ako kilala kapag magkasama kayo? Bakit parang iyong limang taon natin, balewala lang kapag kausap mo siya? Anong kulang? Anong hinahanap mo? Ibibigay ko ngayon, saakin mo sabihin, hindi iyong hinanap mo sa lalaking hindi mo naman tuluyang kilala nang lubusan!" Sigaw niya.
Tumingin ako sa kaniya.
" Alam kong mali, Dion. May mali ako. Pero kahit ako din naman, nahirapan ako, Dion. Iyong ilang linggong hindi ako nakipag usap sa iyo, plinano naming lahat yon, kahit na ang mga kasamahan ko, kahit si Genesis, hindi ko kinausap, para mapagisipan kong mabuti, kasi kahit ako, nahihirapan, naiipit ako, at nahihirapan ako tuwing naiisip kong may masasaktan kahit na anong ingat ko sa pagdedesisyon kung sino na nga ba sa inyong dalawa. Dion, hindi ko din alam, kung paano!"
BINABASA MO ANG
It's Never Been Us (Published under Wordsmith's Pub House)
RomanceAstraea Alison Montalvo and Isaiah Dion Chavez are both an Athlete. Wala silang inatupag kung hindi ang maging student-athlete sa kanilang paaralan. They are both pro with their sports, well infact, they are both MVP's in Volleyball and Basketball L...